CHAPTER 2

115K 3.3K 288
                                    

CHAPTER 2

NAKAHINGA ng maluwag si Heelan ng makalabas na siya sa reception hall. Agad niyang tinawagan ang fake niyang kasintahan na nasa New York.

“Hello, Heelan!” Ang tinis ng boses nito parang babae talaga.

“Hey, babe. How are you?” Natatawa niyang tanung.

“I’m fine. Just missing you.” Andrei said in a manly voice tapos biglang tumili. “Oh my god, girl! I can’t be a man! Hindi ko kaya ang kamatsuhan ng boses nila. High pitch talaga ako e. Inborn na.”

Heelan chuckled. “Ewan ko sayong bakla ka.”

“Shh! Baka may makarinig sayo. Wala pa akong balak mag come out, girl. Hindi ko pa kaya. Papatayin ako ni amang hari kapag nalaman niya.” Ang ama nito ay isang marine soldier.

Nakilala niya ang baklitang ito ng i-launch niya ang first ever niyang fashion line. Unang kita palang, naguwapuhan na agad siya dito. Talaga namang pang super model ang dating ng mukha at katawan ni Andrei. Sinabihan niyang guwapo ito at inaya niyang mag-date, pumayag naman ito. At sa date nga nila, niladlad nito ang katutuhanan tungkol sa gender nito. Nuong una, na-shock siya. Hindi niya ini-expect ‘yon, pero habang tumatagal ang date nila, nagiging komportable na siya dito.

At sa pagiging mag-kasintahan naman daw nila, nangyari ‘yon dahil naabutan sila ng ama nito na magkatabi sa kama. Kaya hayun, nag-assume ang ama at na-trap siya bilang girl friend nito na pinagpasalamat naman niya dahil nawalan siya ng makulit na maliligaw. Wala siyang oras para sa mga ligaw-ligaw na ‘yon lalo na at nasa proseso siya ng pagpapa-hilum ng pusong nasugatan.

“Na-miss kita.” Heelan said with a smile on her face.

“Yuck! Stop talking gibberish. So, how are Blake and Ania’s wedding?”

Sa pagpapaalala nito sa kasal, napakagat labi siya ng maisip si Blue. “T-The wedding? It’s… ahm— good.”

“Are you okay?” Puno ng pag-aalala ang boses nito. “You sound weird. May nangyari ba na hindi maganda? OMG! Girl, tumakbo ba ang bride?! Finally, nahimasmasan siya at iniwan si Blake, ang aking irog?!”

Napailing-iling si Heelan. “Hindi. I see someone I knew way back in college.”

“Ahh. Mga kauri ni Blue. Ang kaisa-isang lalaki na inibig ng puso mong pihikan.”

“Tantanan mo nga ako sa katatagalog mo ng malalim. Hindi bagay sayo. Blonde pa naman ang kulay ng buhok mo.”

“Heelan, wala sa buhok ang pagiging Pilipino, nasa salita at gawa ‘yan. And anyway, stop changing the topic, sinong nakita mo?”

Napalunok si Heelan. “Ahm… I saw Blue.”

Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago ito sumagot. “Kumusta naman ang puso mo? Humihinga ka pa ba? Bumulagta ba ang puso mo sa sahig at pinulot ni Blue?”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Inilapat niya ang kamay sa dibdib kung nasaan ang puso niya.

“Ayos lang naman ang puso ko. No need to worry. Hindi siya titibok ulit para sa lalaking yon.”

“Hindi ko sinabing titibok siya ulit para kay Blue. Ikaw ang may sabi ‘non.” Anito sa nanunundyong boses.

“Ah, basta. Hinding hindi na. Pagkatapos ng sakit na dinulot niya sakin—”

“Are you sure? Heelan, huwag magsinungling. Alam ko ang lahat ng tungkol kay fafa Blue.”

“I’m not lying.” Bakit naman kasi ikinuwento pa niya dito ang love life niya nuong college siya.

ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]Where stories live. Discover now