CHAPTER 7

102K 3.2K 80
                                    

CHAPTER 7

INUNAT ni Heelan ang katawan ng magising siya. Napa-igik siya ng may maramdamang sakit sa pagkababae niya. Kumunot ang nuo niya. Bakit masakit—

Last night!

Napamulagat siya at ang unang nakita niya ay ang guwapong mukha ni Blue na ilang dangkal lang ang layo sa kanya.

“Blue…”

He grinned. “Good morning.” Bumaba ang tingin nito sa simbolo ng pagkababae niya. “Try not to move much. Medyo masakit talaga yan pag umpisa.”

Inirapan niya ito. “Ang dami mong alam tungkol sa bagay na ‘yan.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Selos ka naman.”

Bigla siyang namula sa sinabi nito. Tumawa ng malakas si Blue. Puno ng kasayahan ang tawang iyon. Walang halong ka-plastikan.

“Selos ka nga.”

Binato niya ito ng unan. Natatawang sinalag ni Blue ang pambabato niya at nagmamadaling umalis sa kama. Napatanga si Heelan ng makita ang hubad na katawan ng binata. Napatingin siya sa pagkalalaki nitong buhay na buhay.

“A-Anong…”

Blue laughed. “Hay, Heelan. Para namang hindi mo ‘to nakita kagabi.” Umiling-iling ito at pinulot ang damit na nagkalat sa sahig at isinuot iyon. “Magluluto lang ako ng soup. Okay lang ba ‘yon for breakfast?”

Tumango siya at bumalik sa pagkakahiga. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakita. Paano ‘yon nagkasya sa kanya kagabi? Ang laki at ang haba. Nanindig ang balahibo niya. No wonder halos mabaliw siya sa sarap kagabe.

I-idlip sana siya ng maramdamang naiihi siya.

Mabilis siyang bumangon. “Nasaan ang banyo rito?”

Tinuro nito Blue ang pintuan na malapit lang sa kama nito gamit ang spatula. “That’s the comfort room.”

Dali-dali niyang ipinulupot ang kumot sa katawan at pumasok sa banyo si Heelan. Napahiyaw siya ng lumabas ang ihi niya at sobrang sakit ang lumukob sa pang-ibaba niya.

“Aray!” Sigaw niya.

Malakas na bumukas ang pintuan ng banyo at tumingin sa kanya si Blue na puno ng pagaalala ang mukha.

“Anong nangyari? Okay ka lang ba?” Nag-aalang tanung nito. May bahid na takot ang boses nito.

Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ito pinaglamayan.

“This is your entire fault!”

“What? Anog ginawa ko.” Naguguluhang tanung nito.

Lumuhod ito sa harapan niya habang siya naman ay naka-upo parin sa bowl.

“Ang sakit.” Aniya habang pinipigilang hindi lumabas ang ihi niya. “Ang sakit sakit ng tot ko!”

Kumunot ang nuo ni Blue. “Tot? Anung tot?”

“Yong … ano ko— Basta, yung tot ko!”

Mas lalong kumunot ang nuo ni Blue.

“Ano bang—” Realization dawn on his face. Bigla itong bumunghalit nang malakas na tawa.

Kinuha niya ang espatulang hawak nito at binatukan ito gamit iyon.

“Sige, tumawa ka pa!” Banta niya habang hawak-hawak ang spatula.

Ngumisi si Blue. “Seriously, you called your vagina ‘tot’?”

Tinamapal niya ang braso nito ng spatula. “Huwag ka ngang masyadong bold!”

ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]Where stories live. Discover now