Chapter 73

57.4K 770 81
                                    

[Drandrei P.O.V]

   “Ako pala ang target nung babae na kanina pang sumusunod sa akin”—salita ni Lolo sa akin. andito pala kami sa loob ng sasakyan nya, at hindi ko alam kung saan kami papunta nito.

Natalo ko yung babae na miyembro ng Sumikai, at kahit papaano ay hindi ako nabagot na kalabanin sya.. akalain mo nga naman na mag-kasing galing sila ni Julia.. kaya imbis na maalala ko yung mga problema ko, ay pinag laruan ko lang yung babae na yun.

   “Ginamit mo ba yung gamot na ibinigay ko sayo?”—salita nya ulit sa akin.. napa tigil ako sa pag bebenda sa kanang braso ko, at nilungunan ko sya.

   “Ginamit ko ho” sagot ko at ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pag bebenda sa sarili kong braso.. bwisit yung babae na yun, buti nalang hindi malalim ang pag galos nya sa akin “At meron ho pala ako natuklasan dun sa babae nan aka laban ko”—sagot ko ulit sa kanya.

   “Talaga?, at ano naman ang natuklasan mo dun sa babae?”

   “Yung babae na yun, ay miyembro sya ng Sumiyoshi-kai”—sagot ko sa kanya. at tinali ko ng maayos yung benda sa kanang braso ko. buti nalang at tinanggal ko yung Jacket ni Lee nung nakikipag laban na ko ng seryoso dun sa babae.

   “Really?... small world..”—sagot din nya sa akin.. hindi nalang ako sumagot ulit…

Hindi ko pinatay yung babae na kasapi sa Sumikai.. at kahit na naiinis at nagagalit ako nung mga oras nun ay, kinontrol ko ang sarili ko na wag tapusin ang buhay nya.

Kaya ang ginawa ko dun sa babae na yun ay inalam ko muna kung sino nag-utos sa kanya na patayin si Tanda… inalam ko rin kung sino-sino ang mga kasama nya pa na andito sa pilipinas, ang kaso ayaw nyang sabihin kung sino-sino sila.. kaya nung mga oras na yun ay napuno ako at sapilitan ko sa kanya pina-inom yung gamot na binigay sa akin ni Tanda.

Ngayon araw na ito ang daming nangyari… at habang nalalaman ko ng pa unti-unti tungkol sa mga nag-hahanap sa amin ay mas lalo tuloy ako nakaka pag desisyon na iwan at lumayo na kala Jam.. bago malaman pa ng iba na meron akong gang.

   “You still wearing that watch(?)”—salita ni Lolo/Tanda sa akin. kaya naman agad ako napa tingin sa kanya, habang sya naman ay naka tingin sa side na bintana nya “Talagang, na attach ka sa kanya, nung mga panahon na iniwan kita sa kor—.”—salita pa ulit nya dapat. Pero agad na sumabat na ko sa kanya.

   “Na alala nyo ho pala sya.. at age of 50 you still remember him, nice…”—sagot ko at tumingin ako sa harap.. nasa back seat kaming dalawa, at nasa harap ko naman na upuan si Mr. Secretary boy nya.. tapos meron kaming dalawang itim na SUV na kasunod sa likod lang, yun naman ang mga Julalay nya.

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon