Chapter 35

93.1K 1K 40
                                    

Xander


Pag ka tapos kong mag galing sa unit ni lee ay dumeretsyo agad ako sa bahay at mag iimpake na para sa vacation namin I mean sa escape vacation nitong si lee para hindi sya mahanap ng kababata namin na si angelica.


Spoiled brat, maarte, at napaka attention seaker nung babae iyun. lahat ng klaseng babae na ayaw ko sa kanya ay nasa kanya na.


Except sa kanyang itchura at sa katawan.


Maganda sya, at ang kanyang katawan ay pang modelo. Mga tipong babae na lagi kong mga nakakasama tuwing may night out ako.


Pero itong si angel?.. nah I'm rather to die kaysa maging isa sa mga babae ko.


Nakaka ubos sya ng pasensya at hindi ko matagalan ang kanyang pag uugali maski boses man lang.


Pag ka tapos kong mag impake ng mga dadalhing kong damit ay tumunog ang phone ko at chinek ko agad-agad naman ito.


Napa ngiti nalang ako habang nakita ko ang pangalan nya sa screen ng phone saka ko naman ito binasa ang message nya na para sa akin.


"stop spamming! my inbox!!!"


After ko mabasa yung private message nya sa akin galing sa underground ay ni-replayan ko sya pabalik din habang nasa mukha ko pa rin ang ngiti ko.


"kahit kalian talaga. hindi talaga sya sumasablay sa akin na mag pa ngiti man lang" salita ko nalang ng kinuha ko nalang yung bag na inimpake ko saka lumabas na ko sa kwarto ko at bumaba na ko.


Ang babae tinutukoy ko ay walang iba kung di si Andrea na miyembro ng vanguard. at sa tingin naming lima ay tumatayo na yata leader dahil ang kanila leader na si black ay laging wala sa kanilang grupo.


Wala kami ka alam-alam kung ano pinag kakaabala nitong si black kung bakit wala sya sa mga laban nila o mag punta man lang sa underground or sa races ng mga nag kakaroon ng event.


"sir, alex" tawag sa akin ng kasambahay namin dito habang pababa na ko at pa alis na ko dito sa bahay, dahil sinabihan kami ng aming bossing na maaga kami aalis para hindi daw sya matunton.


"yea?" sagot ko nalang kay manang.


"tumawag po kanina si sir." panimula nya na pag sinabi lang nya ay 'sir' ay malamang ang ama ko ang pinag uusapan namin ngayon.


"o?, ano meron?" tanong ko nalang sa kanya habang nag lalakad nalang ako palabas ng bahay.


"pinapasabi po na isasama ka nya po sa kanyang business meeting" manang nag nod nalang ako ng napa hinto ako sa huling sinabi sa akin ni manang


"ano ulit daw yun?" pa ulit ko sa kanya na lumingon na ko ngayon sa kanya.


"pinapasabi na bawal ka daw muna umalis dahil pag ka balik daw nya ay isasama ka daw nya po sa pag alis" manang

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon