Chapter 9

139K 1.7K 16
                                    

Drandrei



Saktong pag dating namin ni jam sa gate 4 ng school ay anduon na ang kapatid ko nag hihintay sa aming dalawa ni jam para sunduin kaming dalawa.


"baby ko!" masayang tawag sa aking ng kuya steven ko ng pag ka kita nya sa aming dalawa ni jam.


"ran, hindi mo naman nasabi na sa akin na mas lalong nagiging hot ang kapatid mo o" mahinang salita nitong jam sa akin.


nag eye roll lang ako kay jam sa sinabi nya sa akin. maichura naman talaga ang kapatid ko, dakilang playboy sya at hindi nag tatagal ang mga babae sa kanya dahil lahat naman daw ay pera at fame ang gusto nila.


niyakap agad ako ng kapatid ko ng naka lapit kami sa kanya.


"na-miss ko ng sobra ang kapatid ko" kuya steven


"ang oa mo kuya, nag facetime, tumawag, at nag message ang ginagawa mo sa akin nun. may gana pa talaga ma-miss ako"


"ano, kaba syempre naman i-ka argh!" kuya steven


binatakan ko nga ang kapatid ko dahil ayaw nya ko bitawan. napa tingin naman ako kay jam na naka ngiting pinapanuod kaming mag kapatid. alam nitong jam na may sister complex ito kapatid ko sa akin kaya ganyan ang kuya ko sa akin.


hindi ko naman masisi ang kapatid ko dahil hindi kami lagi nag kikita sa bahay, lagi kaming dalawa may kanya-kanyang mission kaya swertehan nalang na mag kita kami sa bahay at syempre sa HQ. lalo na ko dahil favorite ako utos-utusan nila duon.


"hello, jam" kuya steven sabay kindat nya pa sa kanya.


"hi, kuya steven" jam


pumasok na kami sa dala nyang sasakyan. ang plano namin ay ihahatid na muna namin si jam sa bahay nila bago kami maka uwi ng kapatid ko.


napa rare na wala ata mission itong kapatid ko ngayon at sya pa talaga ang nag sundo sa amin. ang alam ko kasi ay gusto nya manuod ng rumble mamayang gabi dahil alam nyang aatend ako at gusto nya ko mapanuod sa laban.


"excited ka na ba jam, para sa rumble ninyo mamayang gabi?" kuya steven


"oo naman, lalo na't ang leader namin sa grupo ay pupunta na rin sawakas" jam ng alam ko nag parinig pa talaga sya sa akin.


"well, nagiging busy kasi ang kapatid ko. kaya hindi na nya nagagawa umatend sa mga laban ninyo" paliwanag ng kapatid ko kay jam.


hindi nalang sumagot pa ito si jam sa sagot ng kapatid ko sa kanya. ayaw ko talaga ang topic na mga ganito. dahil alam naman namin ng kapatid ko na may dapat na ko piliin sa dalawa.


ilang minuto lang ay nahatid na namin si jam sa bahay nila.


SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon