Chapter 9 - Preparing the Trainers

122 7 5
                                    

Peniel POV

"Alright BTOB! Makinigkayo!" Naka line up kami sa harap ng mansion. Naglalakad si Eunkwang hyung, dala ang isang meter stick. Nakasuot kami ng mga pang militar na damit at equipped kami ng mga "Lethal Weapons".

"Alam niyo naman nakakaalis lang ni Devil Woman pabalik sa Paris," pagsisimula ni hyung. Napacheer ng konti sina Ilhoon tsaka si Sungjae. Di tinatago ang saya na wala na ang landlady namin.

Napagalitan naman sila ni hyung.

"Sshh. Di pa ako tapos," tumahimik uli sila, pero syempre nagpipigil ng tawa. Hai naku. "Sa oras na ito tayo ay nabigyan ng isang napakahirap na mission. Ang gawin ito!" 

Itinuro niya ang meter stick sa illustration board na hawak ni Minhyuk hyung. Laman ng illustration ang isang picture ni Eclair na galing sa yearbook nila. Hindi ko aakalahing kahit sa isang formal photo ay magmumukhang nakakatakot si Eclair. 

Oo, straight ang buhok niya, sobrang straight na parang hiningi niyang style ay kay Sadako. Epic din na masyadong malaki ang eyebags niya at mukhang walang tulog. Maypagka the Grudge din siya sa picture.

 Mukhang natatakot din si Eunkwang hyung sa picture niya. Hindi niya matago sa expression niya. "Eh," Nagshudder siya. "Sige, basta from that to -- tantanan! -- this!" 

Flinash naman ni Minhyuk hyung ang pictures ng Apink at 4minute. Ang balak ba nina hyung ay ilapit ang image niya sa dalawang ka company namin? (a/n though technically ibang company na ang APink pero come on United Cube <3) Mission Impossible talaga. 

"Kyaaah! Laissez-moi partir!Napakalakas na sigaw ni Elcair. Napatingin kami sa may pinto at nakita namin na dala dala siya ni Hyunsik hyung sa shoulder, para bang pang kargador, at si Changsub hyung ay sumusunod na may dalang gamit. 

"Anong sabi niya?" Tanong ni Ilhoon. 

"Sabi niya let me go in french." Ani naman ni Minhyuk hyung.

Ibinaba naman agad ni Hyunsik hyung si Eclair sa isang upuan na malapit kay Eunkwang hyung. Agad naman itinali ni Changsub hyung at Minhyuk hyung ang paa at kamay niya. 

Sobra naman ata yan. 

"Waah! Ahjussi! Ecureil! Singkit! Anong pinaggagawa niyo! I demand to be released tout de suite!" Pinagsisipa niya ang grass. 

Tumingin si Eunkwang hyung kay Minhyuk hyung. "Ang sabi niya right now. Yun lang ang naintindihan ko." Nagkibit balikat si Minhyuk hyung at tumingin ulit saamin si Leader. 

Sumama na din sa linya si Changsub, Hyunsik at Minhyuk hyung. 

"Ito ang first day ng ating mission at ng training niya. Kaylangan natin ng pagkakaisa upang matapos natin ito at hindi natin maranasan ang hell na ibibigay saatin ni Devil Woman kapag hindi natin to magawa. So kaya ba natin to BTOB!?" 

In unison sumigaw kami. "Kaya!" 

"Good halika," Iniabot niya kamay niya at ipinatong namin ang mga kamay namin sa isa't isa.

"Born to Beat!" 

Yes kaya namin to! Walang impossible saamin na BTOB kayang kaya namin to!

"WAAAH! Pakawalan niyo ako kundi isusumpa ko ang mga kaluluwa niyo kay Beelzebub!" Biglang sigaw ni Eclair. 

Tumayo ang balahibo ko sa kamay. Kahit hindi ako naniniwala na mayroong ganyan di ko maiwasan na isipin na totoo ang pinagsasabi niya. 

 "Ehh, k-kaya natin to g-g-guys. Huwag kayong matakot!" 

Makakakonbinse ka sana Eunkwang hyung kung hindi ikaw ang nasa pinakamalayo sakanya. 

Ipagdasal niyo kami Melodies. T_T

-- 

quick update lang po. ewan ko ba pero gusto kong iupdate to. haha thanks for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Like A Crystal [BtoB Fanfiction]Where stories live. Discover now