Chapter 3 - Entering her Room

292 11 8
                                    

Hyunsik POV 

 Quiet ang room and lahat kami nakatingin sa niece ni Devil Woman. Hindi siya kumibo ever since iniwan siya samin.

Kinailangan si Devil Woman na bumalik sa Paris para asikasuhin yung "damage" na nagawa ng kanyang niece sa dati niyang school at yung tatlo naming managers ipinatawag naman ni CEO Hong.

Gusto ko siyang kausapin kaso masyado akong nacrecreep out sakanya. Kanina pa siya nakikilaro sa mga alaga niyang ahas. And yes, MGA ang mga yun. Meron siyang tatlong alagang ahas na sure ako poisonous at least yung isa. 

Pinangalanan niya lahat. Si Genevieve (yung ahas na nakakagat kay Eunkwang-ssi), Lancelot (eto ata yung poisonous) at Arthur (hindi ko maexplain ang pagkalaki nito). Kakapanuod sakanya, halatang paborito niya si Genevieve, but binibigyan niya din ng sapat na attensyon ang dalawa niya pang alaga. 

Distanced kami sakanya, especially si Eunkwang-ssi dahil alam naman natin ang pinagdaanan niya kasama ang babaeng yun. May konting ebidensya pa nga na naiwan sa kamay niya. Ang lakas makakagat. 


"Guys anong gagawin natin? Hindi naman pwedeng  buong hapon titingnan lang natin siya at siya naman makipaglaro sa mga ... alaga (?) niya." Sabi ni Peniel. May point naman siya. Mapapagalitan kami kung wala kaming gawin. 

"Pwede naman ata na hindi natin siya kausapin. Ayaw kong lapitan muna ang babaeng yan." Pagrereklamo ni Eunkwang-ssi. Hindi ko din naman siya masisi. Sure akong hindi normal ang Eclair na to. 

"Try niyo kayang kausapin?" Suggest ni Changsub.

"Ang tanong sinong unang kakausap?" Sabi naman ni Minhyuk. Wala samin umimik at nagdesisyon na lang kami sa pamamagitan ng rock-paper-scissors. 

Unfortunately, ako at si Ilhoon ang natalo sa laro. 

"Ano ... excuse me." Ako na nagsimula. Sumunod naman si Ilhoon sa akin. 

"Oui?" Sagot naman niya agad. Inoutreach niya kamay papunta samin at gumapang naman si Lancelot sa kamay na yun. Okay that was kinda cool *0* 

"Uhm, may gusto ka bang gawin?" Si lhoon naman nagsalita. Malapit ang edad ni Ilhoon at Sungjae sakanya. 19 or so ata to, hindi ako nakakasiguro. 

Nag-isip naman siya ng madali at tiningnan kami isa isa. After ilang seconds tumayo siya at lumapit samin ni Ilhoon. Hindi namin maiwasan na mag step back dahil baka bigla kaming tuklawin ng kahit aling ahas na nandun. Syempre yung ibang ka member namin nag back away din. Mas malayo pa kayo sa kapahamakan kaysa saamin. 

"I want you to help me unpack." Simple niyang utos. Unpack? Hindi pa ba siya nakakaunpack?

"Okay?" Nag-nod naman yung iba at parang tutulong din sila. Gentleman pa rin kaming BtoB. 


Diretso naman kami umakyat papuntang 2nd floor. Kahit dalawang floor lang ang mansyon na to masyado naman malawak ang bawat floor. Kwarto ng managers namin at basic rooms ay mahahanp sa first floor. Ang kwarto namin na pito ay mahahanap sa 2nd floor right wing habang ang kwarto naman ng babaeng to ay nasa left wing. 

Hindi pa namin to nalilibot masyadong mansyon kahit 2 months na kaming nandito. As much as possible iniiwasan namin ang left wing dahil may vibe dito na ayaw si Eunkwang-ssi.  

"First time kong makapunta sa part na to. Nakakaexcite at the same time nakakatakot." Excited na excited si Sungjae. Kahit naman ako excited na makapunta sa part na to. Parang nakapasok kami sa isang forbidden place at nag eexplore lang. 

Mukhang pareho lang naman ang laman ng part na to at ibang parts pa ng mansyon . Ang pagkakaiba lang, mas maraming pictures na nakasabit sa halls ng left wing. May isang picture na mukhang younger version ni Devil Woman. 

Aminin ko man o hindi, maganda siya nung teenager pa siya. Papasa ang looks niya bilang artista. Kung hindi lang siya business woman ngayon baka nag artista talaga ang babaeng to. At kung hindi siya masyadong sadista baka nagkagusto pa kami sakanya. 

Naglalakd pa rin kami at lahat kami tumitingin sa mga naka post na pictures sa wall. Ang dami palang pictures na hindi pa namin nakikita at halos lahat ng mga yun ay magagandang nilalang ang nilalaman.

Hindi ko din maiwasan na makuha ang attensyon ko ng isang picture na nakataob sa isang lamesa sa hall. Kinuha ko siya and isang batang babae ay yakap yakap ng dalawang napaka perfect na tao. I'm guessing parents siya nung batang babae and they look so perfect ... Pero bakit nakataob ang picture na to. 

"Hey BtoB asan na kayo?" Nauna na pala siya samin. Humabol naman kami agad. 

"Guys remember. If biglang may mawala sa isa satin ay tumakbo kayo agad at tumawag ng police at exorcist." Babala samin ni Eunkwang-ssi

"Ang dramatic mo naman Eunkwang. As if magagawa satin yan ng isang babae." Tiningnan lang  ni Eunkwang hyung si Minhyuk hyung. Magsisimula na naman ang away ng dalawang to. 

"Bakit, yan din naman ang same na babae na kumagat sakin, may ari ng ahas na gumapang sayo, at niece ni Devil Woman." Natigilan kami. Tama naman ang leader namin na maging concious. We never know kung anong gawin niya. 

"Basta, look out for each other na lang tayo." Sabay-sabay kaming nag nod. 

"BtoB Hwaiting!"

Slowly, naglakad ulit kami papuntang room niya and nervous as hell ako. Kwarto lang to ng babae! Huwag naman kami ganito ... 

HOLY SHIZZ! WHAT IN THE WORLD IS THIS ROOM!!!

-- UPDATED <3 hahaha

Dedicated to my Melody Friend <3 

-Love Haelin Lee

Like A Crystal [BtoB Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon