Chapter 8 - His Fascination

164 9 0
                                    

Hyunsik POV 

 Nakabalik na kami ni Changsub hyung sa pagskateboard and excited na akong ipakita sa members ang pagbabago sa skills ko. Ka-level ko na si Changsub!

"Oh hyung! Nakabalik na pala kayo." bati ni Sungjae. Di pa rin siya umaalis sa pwesto niya kanina.

Mukhang dumagdag naman ang mga origami niya. 

"Wow ang gaganda nito ah." sabi ni Changsub hyung habang hinahawakan ang isang cute na panda. 

"Talaga? Gawa yan kanina ni Eclair dito. Tinuruan niya ako." balita ni Sungjae. 

Wow ... ilang taon ba kami nawala ni hyung at close na agad sila? 

"Close na kayo ng weirdong babaeng yun?" napatanong si Changsub hyung. Intersted din naman  ako sa isasagot niya. 

Close na ba sila? 

"Aish hyung alam kong mga tingin na yan. Di pa naman kami kasing close natn na BTOB pero nafeel ko lang na kaya ko siyang pakisamahan. Yun lang hyungs, wag oa." 

Simpleng sagot niya. 

Tanggap ko naman yung sagot niya. Di tulad nina Minhyuk hyung at Ilhoon, hindi ako malisyoso. 

 "Nevermind that. Sungjae, alam mo, kasing galing ko na si Changsub sa pagskaskateboard." Proud kong sinabi.

Kumunot noo ni Sungjae at tiningnan si Changsub hyung. Ha! Proud na proud ako sa achievement ko. 

Di ko nakita ang reaksyon ni Changsub hyung pero biglang napatawa na awkward, 

"Hehe, yeah..." Kamot sa neck "Good job hyung?" 

Eh? Bakit patanong? 

Pinasabay na namin si Sungjae papasok ng bahay at agad naman siyang  sumama pagkatapos niyang ilagay lahat ng origami sa isang plastic. Dinala niya ito papasok habang naguusap kami tungkol sa kung ano-ano. 

Pagpasok namin wala saamin mi isang member na sumalubong. Nakakapagtaka. 

Kadalasan at least may isang nasa sala na nanunuod ng t.v. pero ngayon empty na empty ang sala. 

"Oh? Wala sila dito? San ba silang lahat?" tanong ni hyung. Di ko din sure kung asan sila. 

May naririnig akong ingay galing sa kusina kaya pwedeng andun sila. Mahilig naman silang kumain kaya pwedeng andun sila.

Naglakad kaming tatlo papuntang kusina. Di ko ineexpect ang nakita namin. 

Dinukot ba ng mga alien ang BTOB? Nakulam ba sila ng babaeng to? 

Anong himala ang nangyayari ngayon!?

"Yah! Ahjussi! Pakikuha ng niyan na flour sa tabi." 

"Eto na oh, at ilang beses ko bang sasabihin na hindi pa ako ganun katanda!"  Sigaw ni Eunkwang hyung. 

Tuwang-tuwa naman na nagmimix ng batter si Peniel. Si Ilhoon ang nagcucut para magkaroon ng shapes ang batter at si Minhyuk hyung ang naglalagay sa oven. Si Eunkwang hyung naman ayun nagiging assistant kay Eclair kahit na lagi silang nag-aaway habang nagluluto. 

Totoo ba tong nakikita ko? Nagkakasundo sila at siya? Pakiexplain nga saakin kung anong nangyari kanina at ganito na sila? 

Nagayuma kaya sila? 

"Hyung, anong ginagawa niyo?" tanong ni Sungjae. 

"Nagluluto ng pastries." sagot ni Ilhoon. "Tulungan niyo na kami." 

"Andito na pala kayo. Eyebags, kunin mo nga yung sugar sa taas, hindi abot ni Ahjussi eh." 

"Che!" sabat ni Eunkwang hyung. Nag roll eyes si Eclair at hindi na sinagot si Eunkwang hyung na nagmumumble na naman habang nagmamasa. 

"Weirdo, tulungan mo na si America sa pagmimix." Nag nod si Sungjae at diretso papunta kay Peniel. 

America pala tawag niya kay Peniel ... 

'At ikaw naman Line Eyes, ilapit mo sakin ang sako na yun. Kaya mo naman ata diba?" Unknowingly napa nod na lang ako at sumunod. 

Lahat ng utos niya, we blindly followed. Walang reklamo, well except kay Eunkwang hyung, at sa buong oras na magkasama kami, di ako nafeel na threatened. It was fun. 

"Finally! Natapos ko na din!" she exclaimed habang winipe yung flour sa kamay niya sa cloak na suot niya. 

Isang three tier strawberry cake ang ginawa niya. Minimal lang yung decorations but with the looks of it, it was appetizing. 

"And now, Lampa," Lumapit si Ilhoon. Haha what the heck, Lampa si Ilhoon? Hahaha.

Iniabot niya yung cake. "Dadalhin na natin to kay Genevieve." 

"Huh?"

"Bakit Eyebags? Napatingin sakanya si Eclair. Ang hyungs at Peniel din napatingin sakanya. 

"Para sa alaga mong ahas to?" 

"Oo." kalmado niyang sabi. "Para kanino pa ba?" 

Mental facepalm Hyunsik. Akala ko pa naman ginagawa nila to as a get together or something pero para lang pala sa alaga niyang ahas. Nakakapanghina to. Bakit kasi inaassume ko na normal na to. 

Sobrang layo pa ng babaeng to sa pagiging normal.

Dumbfounded lang si Changsub hyung at yung apat di na nanibago. Alam nila since the beginning kung para kanino to. 

"Akala ko para saatin to." mahinang sabi ni Sungjae.

Narinig siya ni Eclair.

" Oh don't worry. Pinagawa ko din diba kayo ng cookies? Yan ang para sainyo as a thank you." 

Kinuha niya ang cake kay Ilhoon. "Wag ka nang sumama. Makisabay ka na lang sa mga kagrupo mo."

She headed for the door but before pa siya lumabas she turned to face us. 

"Thanks again BTOB" 

That girl is really fascinating. 

-- 

Melodies and anyone who is reading this. This is a quick update. papahabain ko na lang to when the time comes but for now ito na muna~ 

Banner on the side made by Yrrah! She be awesome! 

Like A Crystal [BtoB Fanfiction]Where stories live. Discover now