3

49 1 0
                                    

"Tangi, after 5 years sa tingin mo tayo pa din?" tanong saakin ni Kathryn habang nakahiga lang kami sa tent. Nagpapahinga kami dahil kakatapos lang ng shoot namin sa The Hows of Us. 


"Oo naman, bal. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan natin, magkakasawaan pa kaya tayo?"


"Pero we've been there.." Nag-aalangang sabi ni Kathryn. Nakatitig lang siya sa taas pero magkahawak ang kamay namin. Nasa baba lang ako at nasa taas naman siya. Respeto pa rin kumbaga. "Diba bali, nag-away tayo nung.." Hindi na itinuloy ni Kathryn ang balak niyang sabihin. 


Bibitaw na sana siya pero pinigilan ko. Gaya ng ginawa ko noon. "Kathryn, kahit ilang beses mo pa gustong bumitaw, hindi pa rin ako titigil sa pag-pigil sayo. Katulad nga ni George at Primo, nasagot nila yung mga tanong na how do we save us diba?"


Narinig kong bumuntong hininga siya. 


"Natatakot ako, love. What if one day mapagod ka kakapigil saakin sa pag give up?" Napangiti ako sa baby voice ni Kathryn. Gustong gusto niya talang nilalambing siya, eh.


"Fans nga natin hindi napapagod saatin, ako pa kaya sayo?"


"Ayan pa, tangi.. paano kung lumaos na tayo? Ang dami dami ng loveteams na mas fresh saatin. Medyo wala na tayong spark, ni hindi na nga nating kayang kiligin sa isang scene eh. Kailangan pa ni Direk Cathy na gumawa ng paraan."


"May matitira pa 'ring nagmamahal sa atin, bal. At sigurado ako doon." 


Pagkatapos nun, pumikit na si Kathryn para magpahinga. Isang araw na rin kaming walang tulog para lang matapos yung eksena namin. 


Ilang taon na rin ang nakalipas, ang dami na 'ring nangyari sa sobrang bilis ng panahon. Ako pa rin naman si Daniel Padilla, ang Teen King ng Pinas. Hinding-hindi pa rin nawala yun saakin. May mga solid fans pa rin naman ako na simula noon ay walang sawang sumusuporta.

Nakaupo lang ako sa couch. Pagkatapos ng limang taon, nakapagpatayo ako ng bagong bahay. Para saaming dalawa. Napangiti ako. Kitang kita ko si Kathryn na iniinterbyu sa telebisyon. 

Wala pa 'ring nagbabago sa itsura ni Kathryn, walang kupas ang kagandahan. Naalala ko tuloy lahat ng pinaggagagawa ko sakanya, lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sakanya. Sobra sobra na sa puntong nakalimutan ko na kung paano mahalin ang sarili ko. Paano mabuhay nang wala siya. 


"Babalik 'rin naman ako since may teleseryeng ino-offer saakin yung ABS. I'm really thankful sa mga nag-pray ng safety namin ng baby girl ko. I'll be back as soon as I can." 


With that, umalis na si Kathryn at hinahabol habol pa rin siya ng mga reporters. Bumalik na sa newscaster at bumalita ng iba. 


Napasinghap ako nang ipakita ang litrato nung anak ni Kathryn. Kamukhang kamukha niya at medyo may hawig sa asawa niya. Hindi ko naman ginustong mawala kami ni Kathryn. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Hindi ko pa rin siya makalimutan.

Pero mapipigilan ko ba yung taong pagod na pagod ng kakaintindi saakin? Sa taong hindi na ako mahal? Hindi diba?

Ilang beses akong nagmakaawa kay Kathryn. Ni walang alam kahit sino kung gaano ko siya pinilit at niluhuran na huwag akong iwan. Ipinakita ko sa media na ayos lang saakin, na masaya ako kahit wala siya, pero hindi. Hindi ko kaya na wala si Kathryn sa buhay ko.


Siguro nasakal na siya sa sobrang pagmamahal ko sakanya. Na tipong nakaplano at nakahanda na lahat. Na mas mahal niya pa yung career niya kaysa saakin kaya mas pinili niya yung taong sinusuportahan pa rin siya sa pag-aartista. 

Ang akin lang naman eh magkakaroon kami lalo ng quality time kasama sana ang mga anak namin kapag hindi kami artista, kapag hindi kami namromroblema sa mga walang sawang taping, mallshows, commercials at kung anu ano pa. 

Pero okay na din. Okay na rin saakin 'to. Na makikita ko lang siya sa balita o di kaya'y sa mga commercial niya kasama ang napangasawa niyang kapwa naming artista. Okay lang saakin na parati lang akong nakaupo at nanonood lang para sakanya.


O kay sarap isiping kasama kang tumanda


**

 It was a lot.
It just wasn't enough. 
 

KathNiel Tragic StoriesWhere stories live. Discover now