1

87 4 0
                                    

Sampu. 

Sampung taon na kaming magka-loveteam ni Kathryn. 

Matatag pa rin ang KathNiel fans namin. Suportadong suportado pa rin nila kami. Naka dalawang concert ako pagkatapos nung D4anielPadillaBackAtAraneta. 


"Please welcome.. Kathryn Bernardo and Daniel Padilla!" 


Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin ni Kathryn. Ngiting-ngiti sila't sobrang natutuwa. Simula noon hanggang ngayon, parati pa rin silang excited sa tuwing nakikita nila kami ni Kathryn. Parati pa rin silang kinikilig. 


"Ang blooming nga naman talaga ng ating Queen! Antaray ha!" bati ni Vice


Totoo nga naman, sampung taon na kaming magkasama't magkatrabaho ni Kathryn pero walang kupas pa rin yung kagandahan niya. 25 na si Kathryn pero parang nung kailan lang nung nag-debut siya. 


Humagikgik naman si Kathryn. "Hindi naman, grabe!" 


Sa ilang taon naming magkasama, humble pa rin talaga itong babaeng 'to. Pero malaki yung improvement niya. Napaka-honest at confident niya sa mga sagutan niya kaya't manghang mangha talaga ako sa pag-mature ni Kathryn.


"Oh, tamo to si Daniel! Naku naku! Kung makatitig, ano? Mawawala ba?" Pang-aasar naman ni Vice saakin. 


Muntikan ko ng ibato sakanya yung mic at namakyu ako kahit na mapapanood din namin 'to sa Sunday. Ice-censored din naman eh. 


"Mamaya ka na, Daniel. Si Kath muna dahil tuwang tuwa ako dahil napakaganda talaga neto oh. Hay nako! Mas maganda pa din ako." Nagsitawanan naman yung mga audience. Tawa lang din naman ng tawa si Kathryn sa bawat salita ni Viceral. 


"So kamusta naman Kath ang pagiging reyna? Hindi ka na teen queen, ikaw na ang reyna! Akala ko pa naman ako." Vice


Ngumiti muna si Kath bago kunin yung mic. "Uhh.. syempre sobrang thankful ako sa KathNiels. Hindi ko maaabot 'to kung hindi dahil sainyo. Syempre kila Mama din, kay Deejay at sa lahat ng sumusuporta saaming dalawa." 


Napangiti naman si Vice sa sinabi ni Kathryn. "Ang ganda ano? Mas matagal pa kayo sa segment na ito tama ba?" 


Napatango naman si Kathryn.


"I'm so proud to the both of you. Grabe yung mga achievements na nakamit niyo for the past 10 years and sobrang proud ako na andun ako sa tabi nyo at hanggang ngayon andito pa rin ako sa tabi niyong dalawa." 


Halos maluha ako sa sinabi ni Vice pero pinigilan ko. Kinantyawan ko nalang siya at napa-"aww" naman yung mga audience sa sinabi ni Vice. Bakit seryoso kaagad? Hindi ba pwedeng comedy muna?


Matagal tagal yung usapan at napunta na sa puntong ayaw ko ng pag-usapan. "Oh, Daniel, kailan ang kasal?" 


Rinig ko ang hiyawan at tilian ng mga babae pagkabanggit ni Vice tungkol sa kasal. 


Napatingin ako kay Kathryn. Nakangiti lang siya at nakatitig lang ako pabalik sakanya. 


"Kunwari wala ako dito, sige magtitigan lang muna yung mag jowa." Vice Ganda


"So kelan daw, bal?" tanong ni Kathryn saakin. 


Mas lalong naging maingay sa buong studio dahil sa tanong niya. Kailan nga ba? 


Huminga muna ako ng malalim. "Malapit na." 


At maski si Vice eh napatili sa sagot ko. Napatingin ako sa mga fans na naluluha na. Parang ang bagal ng takbo ng mundo ngayon. Huling tinignan ko e si Kathryn, na tumulo ang luha habang nakangiti. 


Pinunasan ko yung luha niya at niyakap niya naman ako ng sobrang higpit. Nagsisi-iyakan na yung mga tao sa studio, si Vice nagpakuha ng tissue samantalang si Kathryn nanatiling nakayakap pa rin saakin.


"Congratulations, Deejay." bulong saakin ni Kathryn. 


Ngumiti nalang ako ng tipid. Hindi ko man siya nakikita, nakayakap man siya, ramdam ko kung gaano siya nasasaktan. 

Pasensya, Kathryn. 

Sorry kung ikakasal na ako, pero hindi sayo.


Akala ko din tayo na hanggang huli pero akala lang pala.


Nasa kotse kami ngayon ni Kathryn. Tapos na yung taping sa GGV at nag-act normal naman kami pagkatapos. Nasa backseat kami pareho at walang nagsasalita. Yung driver naman namin mapagkakatiwalaan kaya kahit anong pag-usapan namin di lalabas.


"Kailan kasal niyo?" 


Napatikhim ako. "Magpo-propose palang ako next week." 


Huminga ng malalim si Kathryn. Nakatingin lang siya sa car window. "Kailan natin sasabihin sa lahat?" 


"Malapit na."


-


I found the love of my life.
She didn't.  

KathNiel Tragic StoriesWhere stories live. Discover now