CHAPTER ONE (Part 1)

9.2K 298 59
                                    

"BYE, guys! I need to go. Medyo late na rin, e. See you tomorrow! Bye!!!" Nakangiting kumaway si Sanya sa halos two hundred viewers niya sa kaniyang Live sa Facebook. Nag-flying kiss pa siya bago niya tuluyang in-end ang live streaming niya.

Halos isang oras din siyang nag-Live at nakipagkwentuhan sa mga followers niya. Nasa kwarto lang niya siya at nakaupo sa ibabaw ng kama. Ten o'clock ng gabi siya nagsimula mag-Live tapos ngayon lang siya natapos.

Sanya Ortega. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa kaniya? Malamang iyong mga taong walang social media lang ang hindi pa naririnig ang pangalan niya.

Facebook. Friend's full. Two hundred thousand followers.

Facebook official page. Five hundred thousand likes.

Instagram. Two hundred fifty thousand followers.

Youtube. One hundred thousand subscribers.

Paano nga ba sumikat ng ganito si Sanya sa socila media? Noong una ay normal na user lang siya ng Facebook at Instagram. Nang mauso ang dubsmash at mga dance challenge ay nakiuso rin siya. Wala, e. Uso. Ginaya niya. Nag-video siya at in-upload sa kaniyang Facebook account. Hanggang sa shi-nare iyon ng mga kaibigan niya. Nagustuhan ng ilang admin ng sikat na Facebook pages at shi-nare ng mga iyon ang videos niya hanggang sa na-curious ang mga tao sa kaniya. In-add siya, finollow at mukhang naaliw naman ang mga ito sa videos niya.

Aminado si Sanya na kaya dumami ang followers niya sa social media ay dahil na rin sa maganda siya. Marami ang nagsasabi niyon. Mestisa siya na namana niya sa father niya na isang half Spanish. Sinamahan pa iyon ng ganda ng mother niya na pure Filipina. Bilugan ang mata niya na tinernuhan ng mahaba at malantik na pilik-mata. Matangos ang ilong niya at maganda ang hugis ng manipis niyang labi.

"Hey!" turan ni Sanya nang may umagaw bigla sa cellphone na hawak niya.

Dumampot siya ng unan at ibinato iyon sa babaeng umagaw ng kaniyang cellphone. Si Maxine. Ang bestfriend niya. Nag-iisang kaibigan na meron siya sa real life. Kung sa social media ay marami siyang kaibigan, sa totoong buhay ay isa lang.

Aagawin niya sana kay Maxine ang phone niya pero inilayo nito iyon sa kaniya na may kasamang pag-iling at pilyang ngiti.

"Give me that, Max! Alam mo naman na kasama na sa paghinga ko ang cellphone ko. I can't live without that!" ungot niya habang naka-stretch ang kamay.

Umiling si Maxine. "No. Minsan na nga lang tayong magkasama tapos magiging kaagaw ko pa sa oras mo ang cellphone mo? I mean, followers and fans pala. I am your only bestfriend, Sanya, pero it seems na mas importante pa sila kesa sa akin..." At umarteng umiiyak si Maxine.

Natawa naman siya sa fake na iyak ng kaibigan niya. "'Di bagay sa iyo! Tama na nga. Okay, fine. You win. No social media for tonight."

"Good!" In-off nito ang cellphone niya saka nito iyon ibinalik. "Last sleep over ko na ito dito sa inyo dahil sa makalawa ay uuwi muna ako sa Cavite."

Ipinatong niya ang kaniyang cellphone sa side table.

Sumimangot si Sanya. Ngunit kahit nakasimangot siya ay maganda pa rin siya. "'Wag mo na ngang ipaalala sa akin iyang pag-alis mo. Nalulungkot lang ako lalo. Pwede bang ibahin na lang natin ang topic?" Ipinaypay niya ang dalawang kamay sa gilid ng mga mata at nagkunwaring naiiyak.

Start na kasi ng bakasyon nila ngayon sa school kaya wala na silang pasok. Magandang chance sana iyon para makapag-bonding sila ni Maxine pero uuwi naman pala ito sa Cavite. Paniguradong wala siyang gagawin sa buong bakasyon niya kundi ang mag-Live at makipag-usap sa mga followers niya.

Ang hirap naman kasi na mag-isang anak ka lang tapos palagi pang busy ang mga magulang mo sa negosyo nila. Madalas na nakakasama ni Sanya sa malaki nilang bahay ay ang tatlo nilang kasambahay.

He's WatchingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora