Kabanata 33

15.2K 330 16
                                    

After Five Years

Dala-dala ko ang mga bugkus ng mga bulaklak ng magdesisyon akong bisitahin siya. Ilang buwan na din simula ng magtungo ako dito mula ng mamatay siya. Limang taon.

Madali akong bumaba sa sasakyan habang hawak-hawak ko ang mga bulaklak na para sa kanya. Nagtungo ako sa lugar kung saan siya inilagak. Hindi ko inakala na sa dami ng mga pinagdaan naming ay hahantong sa ganito ang lahat.

Lumuhod ako upang hawakan ang bato na kinauukitan ng kanyang pangalan.

“Zindy Cristobal”

Napangiti ako ng mapait ng maalala ang kanyang mga huling salita “Masaya akong mamatay para sayo”. Doon ko napagtanto na nakakamatay pala talaga ang labis na pagmamahal. Dahil minsan na akong mamatay ng iniwan ako ni Yalaine.

“Hi! Zindz, pasensya kana kung ngayon lang ako nakadalaw. Kumusta kana?. I hope your okay their. Tutal naman you are with him. At alam ko na iyon naman ang gusto mo. Utang ko sayo ang buhay ko. Lahat ng meron ako ngayon lahat ng yun ay dahil sayo. Magkikita din tayo, bestfriend. Ngunit hindi muna ngayon. Sige kailangan ku nang umalis.. Hinihintay na niya ako” sabi ko at tumayo na.

Nagtungo muna ako sa isang fruit stand. Bumili ng mga prutas na bibilhin para sa kanya.

“Marc! Ikaw pala.. Mabuti naman at nakadalaw ka. May ibibigay ako sayo. Bagong luto yan siguradong magugustuhan ni Maury.” Sabi nito at inabot ang mga bagong fruit cakes sa akin.

“Heto nga pala ang mga prutas.” Sabi ulit nito. Kinuha ko naman iyon at binayaran na. “Marc! ipakumusta mo nalang ako sa asawa mo” bilin pa nito. Nagpasalamat ako dito at umalis na.

Muli kong naisip ang nangyari limang taon na ang nakalipas at limang taon na din  akong naghihintay sa kanya. Maraming nagsasabi na dapat na akong sumuko dahil wala namang mangyayari sa pagitan naming dalawa ngunit ayoko.

But unexpected person came ito my Life ng malaman ko wala ng buhay si Yalaine ay mistulan akong namatay ngunit dumating ang babaeng ito sa buhay ko at dahil doon muli akong nabuhay.

Nagtungo agad ako sa bahay ni Mama.

Napapangiti ako habang nagmamaneho. Makikita ko na naman kasi ang mahal ko. Pag-alis ko kanina ay tulog na tulog pa ito kaya hindi na ako nakapag-paalam pa. Buhat ng mangyari ang eksena na iyon sa aming apat ay pinangako ko sa sarili ko na kahit kalian ay hindi na ako muling magmamahal pa. Ngunit sa hindi inaasahang panahon ay muling tumibok ang puso ko.

Pagkakita ko palang sa kanya ay naramdaman ko na ang mabilis na pintig ng puso ko. Kaya mahirap mang tanggapin ay nagmahal ako sa pangalawang pagkakataon.

Pagkababa ko palang ay nakita ko na si Mama na inaayos ang mga tanim nitong mga bulaklak. Kasama ang aking angel. Nakasuot ito ng kanyang paboritong floral dress. Pagkakita sa akin ay agad itong tumakbo at dali-dali akong hinagkan sa pisngin.

“Kumusta naman ang baby ko?” tanong ko dito.

The Bride's Man series: All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon