68

3.5K 47 43
                                    


BEA

Natapos ang game 1 ng finals.......and talo kame.😥
Nasa dugout pa rin ang buong team, mga tahimik at halos lahat ay nakayuko ngayon at kasama ako dun.

"Great job girls." basag ni ate mona sa katahimikan namen. "Nasunod pa rin naman yung game plan naten eh. And maganda pa rin ang pinakita nateng laban sa la salle."

"Dapat sa tin yung 2nd set eh." si deanna. "Andameng wrong calls ng referree's pati yung lines men."

"Oo nga." si ria. "Mga down the line ni ate jho pasok yun eh." segunda pa neto.

"Luto ang game, girls." banat naman ni ponggay.

"Girls, girls." pag singit ni jia sa mga nagrereklamo. "Tama na ang pagsisi sa ibang tao. Hindi makakatulong sa tin yan, ano naman kung may mga wrong calls ang referree's kanina? Di ba dapat hindi tayo nag padala sa mga yun." tumayo si jia sa gitna kaya napatingin kameng lahat sa kanya. "Nawala tayo sa focus yun ang nangyare sa tin kanina. Nawala sa tin yung "happy happy" mentality naten kanina sa game, nadistract na tayo sa mga wrong calls at sa crowd ng kalaban. Ni hindi na nga tayo ngumingiti kanina di ba? Wala dapat tayong sisisihin kundi ang mga sarili naten, wag na tayong magturo pa kase nasa atin naman kung willing ba tayo manalo and kanina......Kinulang tayo. Yun ang nangyare sa tin." mahabang sabe ng aming kapitana.

Muli kameng natahimik sa sinabeng yun ni jia. Tama naman talaga sya eh. Hindi na kame nag enjoy sa game and masyado na kameng distracted sa mga wrong calls na nakinabang ng malake ang kalaban.

Guilty ako kase isa ako sa mga nadistract at aaminin kong napikon ako kanina sa game, uminit ang ulo at di na nga ako nakapag focus kaya madalas nalulusutan ako ng mga palo ng la salle. Pati ang service ko ay di na naging maganda matapos nga ang controversial 2nd set, kung hindi long service eh not over naman ito.

Napalingon ako sa right side ko at nakita ko si jhoana na kausap si kimmy, hindi kase kame ngayon nagkatabe bagkus si jules ang katabe ko na naiiyak na. Inakbayan ko naman ang batang ito at inalo alo.

"Babawi ako sa game 2." si jules habang pinupunasan ang naluluhang mga mata sabay singhot.

"Babawi tayo sa game 2." sabe ko naman at ngumiti sa kanya.

Nag sipag ayos na kame para makauwi na kame at makapagpahinga. Hindi ko pa rin nalalapitan si jhoana simula ng pumasok kame dito sa dugout hanggang tingin at sulyap pa lang sa kanya ang nagagawa ko. Ayoko namang ilayo sya sa iba nameng ka teammate na kinakausap sya ngayon, inaalo alo nila ito dahil naiyak ito sa naging resulta ng game namen.

For sure, sinisisi na naman nya ang kanyang sarili sa pagkatalo ng team kanina. Napapabuntong hininga na lang ako habang nakikita kong pilit syang ngumingiti at tumatawa sa harap ng mga kasamahan namen.

Nauna akong nakapagshower sa kanila kaya nag aayos na ko ng mga gamit ko ngayon, dumaan sa harapan ko si ate mona kaya pinigilan ko ito.

"Ate, pwede ba kitang makausap?" tanong ko agad dito na halatang nagulat sa ginawa ko.

















"Sorry. Antagal ba?" tanong neto. "Naiinip na siguro sila sa tin. Sige na mauna ka na sunod na ko."

"Okay lang." sabe ko at umupo pa ako at nag cellphone.

"Una ka na, beh. Paki sabihin sa kanila na palabas na rin ako." si jho. " Magsusuklay na lang ako."

"Okay lang yan. Sige lang, take your time." sabe ko naman ng di tumitingin sa kanya.

"Baka iwanan tayo eh." si jho. "Sige na." tinanguan ko lang sya at nagpatuloy sa pagpindot sa phone ko. "Sino ba yang kausap mo at nagpapakabusy ka dyan?" halata sa boses neto ang pagka irita.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now