7

5.1K 70 0
                                    


JHO

"UMIINOM KA!?!"

Gulat na gulat na sabe ng "kapre".

"Ngayon ka lang ba nakakita ng umiinom na babae?"cold kong tanong na di sya tinitingnan.

"H-hindi naman kaya lang---"

"So shut up ka na lang dyan."putol ko sa kanya. Tas muling tumungga ng beer.
"If you want samahan mo na lang ako dito."

"Okay lang ba sayo?"alanganin nyang tanong sa kin.

This time tinapunan ko na sya ng tingin.
"Kasasabe ko nga lang di ba? Ang hina mo pa lang umintindi!"

Narinig ko syang napabuntong hininga bago tumabi sa kin. Actually, may isang dipa ang pagitan namin di talaga sya umupo na katabi ko.

Dahil mabait akong nilalang at mapagbigay na rin ay inabutan ko sya ng beer in can.
Di naman 'to tumanggi.

Sandaling katahimikan........

"Ang pagkakaalam ko di ka umiinom ng liquors. Narinig ko lang, ha! Di mo raw trip lasa ng mga alak."

"Oo nga."tipid kong sagot tas muling tumungga. Napangiwi ako dahil napapaitan talaga ako. "Pero......kailangan ko 'to ngayon."mahina kong dagdag.

"Mukhang malaki talaga ang problema mo."sabe nya. "Kase you know, ginagamit ang alak ng mga taong gustong may makalimutan. Like problema sa trabaho or stress lang. Pero kadalasan.......problema sa lovelife......" tas tumingin sya sa kin kaya napatingin din ako sa kanya.

"Wala ka pa namang work. So...... I guess...... Sa lovelife?"

Diretso syang nakatingin sa mga mata ko. Para bang hinahalukay neto ang isipan ko at para bang gustong malaman ang lahat,kaya napaiwas ako ng tingin at wala sa loob kong tinunggga ang in can na hawak ko. Di ko binaba ito hanggat di ko yun nasimot!

"Woah! Hey hinay hinay lang!"narinig kong sabe neto.

Nagsisi naman ako sa ginawa ko kase ba naman nakaramdam ako ng pagkahilo!
Naubo pa ako! Leche!

"Are you okay?"

Di ko namalayan ang paglapit ng "kapre"sa kin. Nakapatong ang isang kamay neto sa balikat ko at tinitingnan ako kaya muli ay napatingin din ako sa kanya. Infairness, may pag aalala sa tono ng boses nya.

"Alam mo tama na yan----"

"Oi, wag ka ngang KJ! Kakaumpisa ko lang kaya and sayang lang ang mga 'to kung di ko uubusin!"ako tas muling nag bukas ng isa pa.

"Lahat yan! "Exaggerated nyang sabe habang nakaturo sa mga in can na naka lagay sa plastic bag na nasa paanan ko lang.

"Uh-huh!"ako sabay tungga muli.

"Kaya mong ubusin yan? Ha,i don't think so!"mayabang sabe neto at nailing pa habang natawa.

Aba! Parang hinahamon ako ng "mayabang"na babaeng 'to.
Kaya para mapakita kong kaya ko ay in-straight ko na naman ang iniinom ko.

"Hey! Hey! Stop na, okay?"

"Hooo!"nasabe ko na lang pagkatapos kong masaid yun. Magbubukas sana ulit ako ng pigilan nya ako. "Bakit ba?"naiinis kong tanong sa kanya.

"Enough na, okay?"malumanay na sabe pa neto. At inilayo na sa kin ang mga beer.

"At saan mo dadalhin yan?"pasigaw ko ng tanong. "Don't tell me, itatapon mo lang yan?"nakataas ang kilay ko sa kanya.

"Sino may sabe sayo na itatapon ko 'to?"sarcastic netong balik sa kin.

"Eh, anong gagawin mo dyan?"

Imbes na sagutin ako ay pinagbubuksan nya ang mga yun at pinagtutungga ng sunud sunod! Wala na akong nasabe pa kase pinanonood ko na lang sya habang in-straight ang apat na in can!

"HOOOO!"mas malakas netong sabe ng maubos neto ang huling beer. Tumingin sya sa kin pagkatapos. "Oh, may nasayang ba?"

Napatawa ako. "Ang lakas mo palang uminom!"

Natawa rin ito kaya nagtawanan na kame.
First time ata na di kame mag aaway. Bago yun, ha?

"Ano? Lasing ka na?"biglang tanong neto.

"No! Baka ikaw? Inubos mo lahat,remember? Four beer in cans, in-straight mo!" di makapaniwalang sabe ko tas muling tumawa.

"Ayaw ko lang na mapagalitan ka na naman ni ate ly at ng mga coaches naten."

Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko yun at napatingin sa kanya. Nakatingin lang sya sa kawalan. Kahit naka side view ito ay pansin ko ang pamumula ng pisngi neto.

"Believe me or not, naaawa ako sayo every time na napaparusahan ka. Kahit alam ko namang kasalanan mo rin yun."

Bigla syang humarap sa kin.
Shet! Pulang pula na ang "kapre"!
May tama na 'to. Mapungay na rin ang mga mata neto.

"I mean, lahat naman kayo. Pero ikaw kase, eh, parang sinasadya mo na. Gusto mo na bang mawala na ng tuluyan sa team?"

Napaseryoso ako sa tanong nya. Sumobra na ba
talaga ako? Pansin na ba ang pagbabago ko at pati 'tong babaeng 'to ay nahalata nya? Kaya ko bang mawala sa team na kaytagal pinangarap ko na makapasok dito?

"Ewan ko."mahina kong sagot pero alam kong narinig nya yun.

"Wag mong sayangin ang opportunity na binigay sayo. Alam mo sayang kase ikaw ang isa sa inaasahan na makatulong kay ate ly para sa opensa ng team. Malaki ang tiwala sayo ng coaching staff kaya...... Kung ano man yang pinagdadaanan mo pwede ba..... Kung pwede lang wag mo muna i-entertain at maging focus ka muna sa team,sa volleyball. Saka mo na problemahin kapag tapos na ang practice or ng game."

Napabuntong hininga ako. Alam kong may point ang babaeng to. Di rin ako nakaramdam ng pagka inis sa kanya habang sinasabe nya yun.

"Mahirap kaya."ako at napatungo.

"I know. Pero kung susubukan mo---"

"Sinubukan ko."putol ko sa kanya. "Pero....pero.... Nasasaktan talaga ako. Di ako maka concentrate. SYA.... SYA ang pumapasok sa utak ko!"

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Naalala ko na naman sya!
Di ko na napigilan pa at tuluyan na kong naiyak. Ang sakit na ng dibdib ko, nahihirapan na kong huminga!
Naramdaman ko na may kamay na tumapik tapik sa balikat ko.

Tanging buntong hininga lang ang narinig ko sa kanya. Maya maya pa ay sa likod ko naman naramdaman ang kamay neto na hinagud hagod.

Lumipas pa ang ilang minuto na ganun lang ang ayos namin. Ako, na umiiyak
lang habang sya naman ay tahimik lang na pinakikinggan ako.

Tumagal pa kame na nasa ganung ayos hanggang sa mahimasmasan ako.

Inabutan nya ako ng......panyo?
May dala syang panyo?

"Uhm....di pa kase ako nagpapalit ng damit."nahihiya netong sabe tas napakamot sa kilay. Parang nagets na nya ang tingin kong nagtataka.

Kinuha ko na lang yun kase kailangan ko ng punasan ang mukha ko na tigmak ng luha.

"Okay ka na?"malumanay netong tanong.

Napatingala ako sa kanya na sakto ding nakatingin sa kin.

"I guess so."nakangiti na sya. At nawalan na 'to ng mata. Sumingkit na ng tuluyan!

"Tara na."aya pa neto sa kin. Tumango lang ako bilang sagot. Tas ginulo ang buhok ko.























Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now