40

5.5K 72 7
                                    

BEA


"Ba! Himala yata." si ate mae. "Di gumala ngayon si bei bei."

Nasa sala kame ngayon at chill chill lang kase wala kameng afternoon training! Ang saya lang!😁 Halos lahat ay narito lang, yung iba nagawa ng assignments, ng mga visuals nila pero mas marame yung daldal lang at kasama ako sa mga yun. Hehehe...


"Actually inaaya nga ako nila maki punta daw kame club kaya lang tinatamad ako." wento ko tas itinaas pa ang paa sa sofa.


"Dapat pala madalas kang tamarin para di ka na gumagala/gumigimik." sabat ni jia. "Nakakapang istorbo ka pa sa mga patulog na." makahulugang sabe neto.


Gets ko agad yun. Siguradong nakapagsumbong na si jho sa kanila  tungkol sa pag uwi ko ng ganong oras pero sure akong di ako ilalaglag ng "baby" ko kay ate ly. Mahal kaya ako non......Sana( crossfinger )


"Sana pala sipagin ka next time DADA." si deanna tas umupo sa tabe ko. "Tas sama ako sa inyo." masayang nagsuggest si wong.


Inakbayan ko ang ANAK ko. "Sige next time sama kita para di lang dorm, classroom at gym  ang nakikita mo."


Nagliwanag ang mukha ni deanna. "Sabe mo yan ha? Walang bawian!" parang bata netong sabe.


"Magtigil nga kayo." si jia pa rin. "Pag yan nalaman ng momski  mo deanna yare ka."


Napasimangot na lang si wong sa sita ni jia kaya to the rescue naman ang DADA nya. "Magsusumbong ka na naman? Alam nyo kayong dalawa ni jho para kayong si ate ella na lageng bawal ng bawal." ako. "18 na si wongski kaya pwede na syang magdesisyon ng para sa kanya 'no saka di ko naman pababayaan ang anak namen."  paktay! nadulas si dila ,pahamak si ako. Yare na!


"At kelan pang naging anak nyo ni jhoana yang si deanna?" si jia with makahulugang tingin sa kin.


"Simple." si deanna na ang sumagot. "Kase.....Magkakamukha kame." at lalong nilaparan ang ngiti tas idinikit ang mukha nya sa kin at nag pogi sign. "Di ba para kameng mag dada talaga." then may pakindat pa kay jia.


Nag make face na lang si jia. "Ewan ko sa inyo!" tas iniwan kame.


Nagkatinginan kame tas sabay napabunghalit ng tawa. "Nice one, deanna!" at naghigh five kame.


Nagtataka kayo 'no? Close na kame ni wong? Yeah,right guys. Close na close na kame ng batang eto at masasabe kong nagkamali lang ako ng hinala sa kanya noon. Akala ko kase may "something" sya para kay jhoana ko, Akala ko gusto nyang pormahan din si jho kaya kontodo bakod ang ginawa ko tas pinagselosan ko pa sya ng sobra yun naman pala ay talagang close lang sya kay jho at parang mommy na ang turing nya sa baby ko.


Pano ko nalaman? Simple lang. Kinumpronta ko sya nung minsang kame lang ang andito sa dorm. Tinanong ko sya ng diretso at sinagot din nya ako ng diretso, nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala akong dapat ikabahala kay wongski. Di pala dapat pagselosan ang batang ito dahil nalaman kong pinu-push din nya ang #JHOBEA ng lihim. Saka may ibang type yang si deanna at tulad ko secretly inlove lang ang drama nya dun at di ko sasabihin sa inyo,isang sekretong malupet yun kaya shut up ako para magkasundo pa kame ng husto netong "anak" ko.


Wala na rin akong balak ilihim pa sa kanya yung secret feelings ko sa momski nya kaya sinabe ko na lahat lahat, nag promise din sya na susuportahan nya kame kahit anong mangyare. Sabe nga nya sya daw ang number one fan ng jhobea.😀😍 Kaya panatag ang loob ko na kahit wala ako sa tabe ni jho ay andyan naman si deanna na magbabantay sa kanya at babakod na rin sa mga umaaligid sa baby ko.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now