♡ Chapter Five ♡

10.5K 150 52
                                    

AN: Hello guys, sino dito nakaka alam ng dreame.com? (May app din sila) If may account kayo don guys follow nyo ko, available na din pala etong Seducing My Sister's Fiancé don, mag ingay tayo don.


Follow me on Dreame :)

Dreame ID: xyeonjix

thank you in advance :)





[ ZIANE POV ]

Gumising ako ng maaga para gawin ang mga kailangan kong gawin, mag papaka misis muna ako kay Red. Nag tungo ako sa kusina para ipag luto sya ng almusal.

"Oh ija, ang aga mo atang gumising?" pambungad na tanong sakin ni manang ruby.

"Opo manang ipag luluto ko po si Red." pagka sabi ko kay manang non ay nag umpisa nadin syang mag asikaso.

"Ouccchh~"

"Oh anong nangyari sayo, ikaw talagang bata ka." kinuha ni manang ang kamay kong nahiwa ng kutsilyo at hinugasan sa lababo.

"Mag ingat ka kasi ija."

"Sorry po manang, excited lang hehehe."

"Sandali dito ka lang ha." umalis si manang at naiwan ako mag-isa, ipinag patuloy ko naman ang ginagawa ko.

"Akina ang kamay mo Ziane." kinuha ni manag ang kamay ko at ginamot ito.

"Salamat po manang." babalik na sana ako sa pag luluto ko pero pinigilan nya ako, hinila nya ang mga braso ko.

"Ija.. ano tong mga to?" kinabahan ako sa tanong sakin ni manang, nakita nya kasi ang mga pasa ko sa braso.

"Ahh ito po? wala po ito, tumama lang po sa pinto." Maniwala ka manang, maniwala ka.

"Ikaw talaga, sa susunod mag iingat ka ha."

"Opo manang." Pag tapos ng mahabang kwentuhan namin ay na tapos nadin ako sa mga niluto ko, inayos ko na ito sa mesa at tinakpan muna.

Umakyat ako sa aming kwarto para plantsahin ang damit na susuotin ng asawa ko. Nang matapos ko na ay inihanger ko ito at isinabit sa aparador, Naligo muna ako at nag bihis bago ko gisingin si Red, 6:00 am pa lang naman. Ginising ko na si Red para makapag ayos na sya.

"Red.. Red gising na may pasok ka pa." Nagising naman sya sa pag yugyog ko sa katawan nya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Di ba sabi ko wag mo kong papakialaman!!!" inis na bulyaw nya sabay tulak sakin.

"Sorry.. Bumaba kana, nag luto na ko ng almusal." pagka sabi ko non ay bumaba na sya kaya sumunod nadin ako sa kanya, tahimik akong sumusunod sa kanya habang iniinda ang braso kung may malaking pasa na tumama na naman sa gilid ng table, buti nalang hindi ito kita dahil sa suot ko.

Umupo si Red sa kanyang upuan at nag simula na itong kumain, ngunit bigla nya din itong iniluwa at tumingin sakin ng masama, tumayo sya at marahas nya na naman akong hinawakan sa braso, napadaing naman ako sa ginawa nya dahil yung pasa ko ang hinahawakan nya.

"Papatayin mo ba ko sa mga niluto mo ha!!!" inis na sabi nya sakin.

"Bakit hindi mo ba nagustuhan?"

Seducing My Sister's Fiancé [R18-SPG]Where stories live. Discover now