♡ Chapter One ♡

14.6K 151 13
                                    

[ ZIANE POV ]

"Mela, pupunta ka ba mamaya sa engagement party nila boss at ate?"

"Oo naman friend no, sa bahay nyo lang gaganapin no?"

"Ah, oo! simple lang kasi gusto ni ate, mga importanteng tao lang ang invited, Family at friends lang nila."

"Talaga?? sana may gwapo sa mga kaibigan ni boss no?. Para naman ako na susunod ikasal hahahaha."

"Sigurado yun no, uy friend alam mo na gagawin mo mamaya kay Red ha?"

"Ha? sigurado ka ba sa plano mo?. Wag na lang kaya natin to ituloy, kinakabahan ako eh."

"Ano kaba wala ka naman gagawin eh, ilo-lock mo lang yung pinto sa labas pag nakapasok na kami sa kwarto ko."

"O sige yun lang ah, basta wala akong sabit dito ha."

"Oo promise."

Maaga akong umuwi para sa engagement party ni ate at ng pinaka mamahal kong si Red, disperada na talaga ako sa plano ko. Ako naman talaga ang nauna kay Red eh, sabi pa nga nya sakin non 2yrs ago, aantayin nya ko maka-graduate, tapos nakita nya lang si ate sasabihin nya naman, kung mag ka age lang sana tayo, kaso hindi eh kaya yung ate mo nalang liligawan ko, 5 yrs lang naman tanda nya ah pwede naman yun diba yung iba nga jan 10 yrs or 20 yrs. Age doesn't matter nga diba?. Kainis kasi bakit sinundo-sundo pa ko ni ate non eh.

Pag dating ko sa bahay ayos na lahat, malaki din kasi ang bahay namin at malawak ang backyard.

Pumasok na ko sa bahay at nadatnan ko sila mama at papa sa sala, nag mano muna ko sa kanila.

"Si ate po?"

"Nasa kwarto nya inaantay ka non, umakyat ka na." tumango muna ko kay papa bago umakyat sa kwarto ni ate.

"Ate" inaayusan na pala sya.

"O Ziane, anjan ka na pala, mag pa ayos ka na din."

"Don na lang sa kwarto ko ate, mag shower muna ko."

"O sige ikaw bahala." pumunta ako sa kwarto ko para mag shower.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa plano ko, parang nakokonsensya ako!. Mabait sakin si ate pati sila mama at papa, parang tunay na anak at kapatid na ang turing nila sakin kahit na hindi naman talaga nila ako ka ano-ano. Yes! ampon lang ako, nakita lang daw nila ako sa tabi ng dagat na walang malay, dinala daw nila ako sa hospital at comatose ng 5months, pagka gising ko daw ay wala akong maalala bukod sa age ko.

Sabi ng doctor temporary amnesia lang daw pero hanggang ngayon wala padin akong naaalala, pero minsan na nanaginip ako na may tinatawag na mommy at daddy tapos parang nasa barko daw kami pa palubog, magulo, madaming tao, umiiyak, humihingi ng tulong. Sabi ng doctor baka parti daw ng pagkabata ko yung napapanaginipan ko.

Sabi ni ate Cziane Daniela daw talaga ang pangalan ko kasi may nakita silang kwintas na nakasuot sakin, at na ka engrave yung name na yon. Ginawang Ziane ang tawag nila sakin kasi masyado daw mahaba ang name ko, hahahaha.

Pag labas ko ng C.R ay andon na ang mag aayos sakin, umupo ako sa harap ng malaking salaminan ko at inayusan na nila ako, light make up at yung hair.

"Hoy friend."

"Uy Mela andito ka na pala."

"Ayan perfect .. mas lalo kang gumanda girl." ay tapos na pala akong ayusan.

"Thank you." pag ka sabi ko non ay lumabas na sila.

"Ano! kamusta sa baba? .. madami na bang tao??" tanong ko kay Mela.

Seducing My Sister's Fiancé [R18-SPG]Where stories live. Discover now