♡ Chapter Two ♡

10.9K 125 12
                                    

[ JESSICA POV ]

Hi i'm Jessica Ocampo Sister of Ziane, 4 yrs ang tanda ko sa kanya. So ayan kilala nyo na ko kahit pano.

Bumangon na ko sa kinahihigaan ko at nag ayos muna para puntahan ang fiance ko, grabe di ako makapaniwala na ikakasal na ko soon, ang saya sa feeling na ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka din. Kumatok muna ko sa pinto ng guess room bago ito binuksan, kaso lang walang Red, bumaba ako baka sakali  nasa baba na sya, nagulat ako ng pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Ziane nakita ko necktie ni Red, yung kalahati nasa loob, nakatamdam ako ng kaba sa dibdib ko kaya agad akong kumatok sa pinto, katok ako ng katok pero walang nag bubukas. Kinakabahan na ko.

"Jess ano ba yan? baka tulog pa yung kapatid mo." andito na din pala sila mama at papa..

"Ma." humarap ako sa kanya ng may tumulong luha sa pisngi ko.

"Anak ano ba bakit ka umiiyak? ano nangyari?" tanong sakin ni papa. Tinuro ko naman yung nexktie ni Red na nakaipit sa pinto.

"Manang Remy kunin mo yung duplicate ng susi." Kinuha naman ni manang yung susi sa baba..

"Relax nak, ok! wala lang yan." pag papakalma sakin ni mama.. Maya-maya lang umakyat nadin si manang at ibinigay kay papa ang susi, binuksan ni papa ang pinto at pumasok na agad ako bigla.. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala akong sinugod sila.

"MGA WALANG HIYA KAYO!!!!" sigaw ko sakanila habang pinag hahampas si Red . Gulat silang nagising parehas, nag takip sila ng comporter parehas at don nag bihis si Red.

"Jess wait! wait! mali yung iniisip mo."

"Anong mali sa nakita ko Red? bakit ha?"

"Wala kung maalala." nakita kung umiiyak si Red sa gilid, tinignan ko ulit si Ref na parang inaalala yung nangyari.

"Shit! i was drunk! binigyan ako ni Ziane ng wine glass at naramdaman ko nalang na umiikot na ang paningin ko, pa pasok na sana ako sa guest room ng hinila nya ko dito." pag papaliwanag ni Red sakin pati kala mama at papa. Lumapit si mama kay Ziane at sinampal ito ng pagka lakas-lakas.

"Wala kang utang na loob bata ka! hindi ko alam na may ganyang ugali ka palang tinatago, bakit? kulang ba? kulang pa ba ang pag mamahal na binigay namin sayo? pati fiance ng kapatid mo inagaw mo na?, ginagawa namin lahat para maging masaya ka, tinuring ka namin sariling anak at kapatid ng ate mo, tapos ganyan lang gagawin mo sa ate mo?" galit na sabi sa kanya ni mama, walang nagawa si Ziane kundi ang umiyak.

"Ziane!" lumapit sa kanya si papa.

"Pa... hin..di.. po totoo yung sinabi... ni .. kuya Red.." umiiyak na sabi nya kay papa. Tinignan ko ng masama si Red, nakatingin lang sya kay Ziane.

"Anong nangyari!" madiin na sabi ni papa

"Totoong binigyan ko si kuya Red ng wine, nung nalasing na kami pumasok na kami, pag pasok ko ng kwarto ay pumasok din sya tapos ayon po. Malakas si kuya Red kaya hindi ko sya kayang itulak kahit anong tulak ko." Mahabang paliwanag nya habang umiiyak.

"Sinungaling ka! Ziane!!! alam mung ano ang totoong nangyari! ikaw ang humila sakin papasok dito sa kwarto mo." Nagulat nalang kami ng sinuntok ni papa ang mukha ni Red.

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila. Never pang nag sinungaling si Ziane kala mama at papa, pero kilala ko ang ugali nya, kapag may gusto syang gawin nagagawa nya talaga, kala mama lang sya tiklop. Si Red naman hindi ko din alam, aaminin kong naniniwala ako sa kanya dahil hindi nya kayang gawin sakin yun, ni wala pa ngang nangyayari samin dahil inaantay namin ang honeymoon, nirerespeto nya daw ako.

Seducing My Sister's Fiancé [R18-SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon