My Lover... BOSS?!!![34]

2.1K 23 0
                                    

NATHAN'S POV

"Nathan, pano nila 'to nalaman?" takot na sabi ni Juls

"I don't know.. May pinagsabihan ka bang iba?"kunot noong sagot ko sakanya

 Sa lahat ng problemang na naresolba ko, ito ang isa sa mahihirap maresolba.

Involved kasi dito ang pamilya ni Juls.

Kaya kung anong gagawin ko.. apektado siya.

Family-oriented pa naman siya.

Bakit ba kasi nalaman pa nila?!

"Wala.. ni isa wala."sagot ni Juls

Alalang-alala na siya.

Nakagat ko na lang ang labi ko.

"Eh sa paano nila ito nalaman?!"nasabi ko na problemadong problemado

Bigla ko na lang naalala yung nangyari kagabi.

>>FLASHBACK<<

Pagkaalis ni Juls, hinila ko si Jess papunta sa walang taong lugar at kinausap siya.

"Mahal pa rin kita, Nathan." Jess

Hindi ako kumibo.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya sa mga naririnig ko.

Naging problemado pa nga ako eh.

Niyakap ako ni Jess.

"Mahal na mahal pa rin kita."bulong niya

"Pero may asawa na ako.."sagot ko

"Asawa mo lang siya sa papel. Pero ako pa rin naman ang mahal mo, diba? diba?!"

Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Hindi pwede. K-kasi.. m-may asawa na ako. O-oo, may asawa na ako."

"Yun lang ba ang dahilan , Nathan? O meron pang iba?!"

Hindi ako kumibo.

"Hmm.. Nathan, tandaan mo ito: Gagawin ko ang lahat lahat para mabawi kita dun sa impaktitang babaeng yun! Tandaan mo yan!"pagbabanta niya at umalis sa harapan ko.

>>END OF FLASHBACK<<

Pinagpatuloy ko na ang pagda-drive.

At ngayon, nasa tapat na kami ng bahay nila Juls.

Nagpatiuna na siyang pumasok sa pinto nila na nakabukas.

Pagpasok namin, naka-upo ang lahat maliban sa tatay niya.

"Tay.."lapit ni Juls sa tatay niya

Hinarap siya ng tatay niya at biglang..

Sinampal.

Nasapo ni Juls ang parte ng mukha niya na sinampal at agad na may tumulong luha sa mga mata niya.

"Bakit mo nagawa samin 'to, Juls?! Hindi mo ba alam na nagmumukha kang pera sa ginawa mo?! Naturingan ka pa namang Cum Laude eh, BOBO KA NAMAN PALA! Nasa'n napunta ang mga tinuturo namin sayong magagandang asal, ha?!"panunumbat ng Tatay ni Juls

"Pero, Tay.. para naman po iyon kay Kuya.."sagot ni Juls

Nasampal ulit siya.

"At natuto ka nang sumagot ngayon ha! Yan ba ang turo sa inyo ng eskwelahan?! Ang sumagot sa magulang?! Walng kang galang! Pinalaki ka naming maayos tapos kahihiyan lang ang ibibigay mo sa'min?!"sabi ni Tatay na dinuro-duro pa si Juls

My Lover... BOSS?!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon