My Lover... BOSS?!!![13]

2.8K 25 3
                                    

NATHAN POV"

Hay.

Umaga na.


Nag-unat unat na ako. Gustong gusto ko tong araw na to.

 

Ito ang araw ng ganti ko sa babaeng yun!


Bumaba na ako na may ngiti sa labi.

 

Pero, nagsisimula na siyang maglinis!

Anong oras pa lang ba?

Ala sais pa lang!

"Good morning, Mahal na Hari!" masayang bati niya pagkakita niya sakin.

"Good morning," balik kong bati. "Halika. Almusal na tayo."

Sumabay naman. Binaba lang ang mga hawak, at sinundan na ako.

Parang handang handa ah!!

Pagkatapos nyang kumain, nilinis niya agad ang lamesa at naghugas. Binigyan ng pagkain si prince, at nagpatuloy na sa ginawa nya.

Di man lang nagpasalamat sa ginawa ko kaninang madaling araw!

Grabe, walang utang na loob.

 

JULS POV"

Inagahan ko talaga ang gising ko. Nagluto na ako at inumpisahan na ang paglilinis, para makapagpahinga ako sa hapon.

Si Nathan?

Ayun sa garden, nagbabasa ng libro.

Habang ako, busing busy dito!

Aish.. Walang kwenta.

Hindi talaga gentleman..

Wala na tong pag-asa.

Kahit pasang awa, hindi na uubra.

Nung natapos ako sa kusina, biglang pumasok si Nathan.

"Ano itong alikabok na ito?!" sigaw niya pagkatapos pumahid sa gilid.

"Ano?!" bawi ko. "Malinis na tong lugar na ito, ah!"

"Pero maalikabok pa! Linisin mo!" Pinasadahan ako ng alis.


Nilinisan ko naman lahat ng sulok dito sa kusina, pero nakakita parin siya ng alikabok?! Ha!

Pinuntahan ko nga kung saan siya nakakita.

Wala naman!

Haaaaa!! Nakakaasar!

Huminga ako ng malalim.

Magandang sumunod na lang kasi maganda ang gising ko ngayong araw.

ANO BA YAAN?!

Lahat ng natatapos ko, pinapaulit nitong Mokong na to!


Aish! Aish!

Sira ulo!!!!

Mga 3pm, umalis siya.

Hindi ko alam kung saan pupunta.

Hindi marunong magpaalam.

Natapos ako, 4pm.

Hays!

My Lover... BOSS?!!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now