My Lover... BOSS?!!![6]

3.2K 23 0
                                    

NATHAN POV"

Ang kulit kulit ng babaeng iyon.

Hay, matatapos na rin ang problema ko.

Ako si Francis Nathaniel James Lorenzo. Bunga ako ng isang business family.

Nung araw na nakita ko siya, kala ko isang assistant eh. Haha..

Iyon pala bagong admin ng finance.

Tss.

Mainit pa naman yung ulo ko nung araw na yun. Tuloy napag-initan ko.

Hindi lang naman para makuha ang company ang plano ko dito. Para na rin  pagselosin si Jess-ung "gf" DAW ni Jake ngayon.

Alam ko na sa bawat tingin ni Jake kay jess nagseselos ako.

Jess  is my ex. Mahal na mahal ko yun, pero pinagpalit ako-sa bestfriend ko pa.

Mas mahal nya daw kasi si Jake.

So I let her go, pero parang di naman totoo na sila.

Hmm, mababawi ko rin siya.

Pinapaselos nya lang ako. Alam kong mahal nya pa rin ako.

JULS POV

Anong problema ng lalaking iyon at pinapa-absent ako?!

Pumunta na ako sa lugar na sinasabi nung papel na binigay niya sakin.

Nahanap ko rin! Yeheey! \(^.^)/

Ahh.. alam ko na. =.=

Gusto nya imake-over ako.

Bakit hindi pa ba ako MAGANDA!?

 Geez!

NATHAN POV

Sinundo ko na yung makulit.

Inantay ko lang sandali at lumabas na siya dun sa dressing room.

Hmm, medyo maganda rin pala kung maayusan.

"Ang pangit mo!" luko ko at patagong thumbs up dun sa naghatid sa kanya.

Matagal ko na rin kasi siyang minamasdan kaya alam ko kung pano siya makipag-usap sa mga ka-workmates nya.

"Panget ka dyan! Ikaw ang panget! Grr!" sabi niya at nagpout pa.

Ang babae talaga. Tsk!

"Halika na at malalate tayo sa pupuntahan natin." aya ko na at hinawakan ko ang kamay nya at nilagay sa braso ko.

 Biglang lumaki yung mata niya, kala ko dahil sa paghawak ko sa kamay niya, pero hindi pala nang bigla niyang sinabing, "Nandyan na naman sila."

Nilingon ko kung saan siya nakatingin.

Ang mga press... ung naghahabol samin nung nakaraang gabi.

Sigurado gusto nila makakuha ng bagong scoop tungkol sa akin.

"Pabayaan mo sila." yun na lang ang nasabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang parking lot.

Ofcourse, sinundan talaga kami ng mga press.

"Sakay na sa sasakyan."utos ko dun sa makulit na ginawa nya naman ng walang angal.

Habang nasa daan, sinusundan pa rin kami nung mga press.

"Uy, bilisan mo. Sinusundan pa rin nila tayo."

"ANO BANG GINGAWA KO, HA?!"naiinis na tuloy aq.

"Wag naman init ng ulo ang pairalin, diba?" pangaral niya.

My Lover... BOSS?!!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now