Hanggang sa Muli 2

52 2 0
                                    

You never knew how I really feel

Everytime I try, no words come out

It's like my togue has been paralyzed

But I guess it's a little too late now 

Dahan-dahan kong tinugtog ang mga nota sa kantang ginawa ko.

Why are you near yet seem so far?

You're shining like the stars

Why can't my feelings reach you?

Can't you see that I'm here for you 

Napabuntong hininga na lang ako. 'Yan pa lang yung nagagawa ko so far.

Hindi ko talaga alam kung bakit bigla-bigla ko na lang na-feel na gumawa ng kanta. To be honest, poem sana ang gagawin ko nang may tune na pumasok sa isip ko.

"Ano pa bang pwede idagdag dito?" parang ewan kong tanong sa sarili ko.

In a split-second, nagka-ideya na ako.

All I can do is watch you from a distance

Would it bother you if you knew my feelings?

Is it better to keep it to myself?

Should I risk the chance of losing what we have? 

"Aish! Di naman rhyme eh!" sabi ko't napakamot sa ulo ko. Hayaan ko na lang kaya? Tch! 'Yaan na nga!

At nagpatuloy na ako...

You're in a different world, you're so far away

Somehow I just know, you'll never be mine 

Bago ko pa man matuloy, bigla na lang tumunog ang telepono ko. Hindi ko na naman tiningnan kung sino ang tumawag at dire-diretso nang sumagot.

"Hello?" sabi ko. "Hello, anak?" napatigil ako nang marinig ko ang boses ng mama ko. "Opo?" tanong ko at ayun, nangamusta siya at lahat-lahat. Nang ibaba niya na ang tawag. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit parang nadismaya ako?

"Makapag-aral na nga lang!" sabi ko sa sarili.

Kinabukasan, pagpasok ko, parang bumalik ang mga ordinaryong araw ng buhay ko. Bakit parang? Ang naiba lang ay ang mga naiinis sa akin dahil na rin kanila Rachel at Alex.

Maaga akong pumasok kaya wala pa gaanong tao. Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang ilang mga bagay na gagamitin ko. Pagkatalikod ko at akmang aalis na sana, may humarang sa akin.

"Hi Mich." bati niya. Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang tiningnan siya sa mata.

Tumango na lang ako at di na umimik. Dederetso na sana ako pabalik sa classroom nang hawakan ng ako sa balikat at iharap sa kanya. Napapadalas na 'tong mangyari ah?!

"Huy, ok ka lang? Para kasing mag-isa ka eh." sabi niya.

Tumango na lang na naman ako at binilisan ang paglakad palayo. Wala na.. Wala na talaga ako sa mood ngayon.

Kaaga-aga, si Mitch pa talaga ang nakita ko! Ano bang kasalanan ko at pinaparusaham ako ng ganito? Ay, okay. Anong nangyayari sa 'kin? Hahaha!

Parang baliw lang!!!!

Isang ordinaryong araw lang 'yon. Si Alex? Ayun, mula last week, hindi na siya namansin at saka lang nag-process sa utak ko yung tanong ni Rachel na "Ano bang meron 'yang si Michelle na wala ako?!" noong nasa bahay na ako.

Until We Meet Again (Hanggang sa Muli) {COMPLETED}Where stories live. Discover now