Hanggang sa Muli 1 [2]

81 3 0
                                    

"A-alex--" pabulong na sabi ni Rachel

"Anong ibig sabihin nito, Rachel? May iba ka na pala at di mo sinasabi sa 'kin?" sabi niya't bigla na lang akong hinila paalis sa lugar na 'yon.

Hindi ko namalayang nasa condo niya na pala ako.

"Feel at home." sabi niya nang makapasok kami.

Hindi ako gumalaw at nasa tapat pa rin ako ng pintuan, "Hoy panget, ba't parang di ka bayolente? Expected kong bubugbugin mo yung lalaki eh." hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Ang tanging naririnig ko lang ang ang tunog ng glass.

May nilapag siyang dalawang baso at isang alak sa mesang maliit na nasa tapat ng couch.

Nagulat ako nang buksan niya ang alak at tunggain ito. Naglagay pa siya ng baso 'noh?!

Nilapitan ko siya at binatukan, "HOY! Anong kalokohan 'to, dela Torre?!"

Hindi siya umimik at patuloy pa rin sa pag-inom. Umupo ako sa tabi niya at aagawin ko na sana ang bote nang tingnan niya ako't hawakan ang pisngi ko kung saan sinampal ako ni Rachel kanina.

"Aray! Nananadya ka ba?!" sabi ko't lumayo ng konti. "Mich, namamaga. Masakit ba?" tanong niya. Ewan ko ba kung dahil sa lasing na siya at naging malumanay ang boses at mukha niya.

"Hindi! Hindi siya masakit. Ang totoo nga niyan ay ang sarap sa feeling eh! Gusto mo sample?" tanong ko.

"Aha-- Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga Mich. Nakakatawa.." parang sira ulo niyang sabi sabay tungga ulit.

May narinig akong singhot,"Ang-- ang saket. *singhot* Ang saket-saket." sabi niya sabay tungga.

Jusko po, nahihibang na 'tong isang 'to! Tatawa sabay iyak?!

"Hoy lalaki--" nanlaki ang mga mata ko nang magsimula siyang humikbi.

Hinarap niya ako, "Mich? Bakit ang malas ko sa pag-ibig?" tanong niya.

Humalukipkip ako, "Ang panget-panget mo kasi! Isa pa, tanga ka!" prangka kong sagot.

"!@#$." mura niya. Aba! Sarap lagyan ng sili ang bibig nito.

Inagaw ko mula sa kanya yung bote, "Kailan ka pa nagsimulang uminom?!" tanong ko.

Masama niya akong tiningnan at tinangka niyang kunin mula sa akin ang bote nang tumayo ako, "Akin na 'yan Michelle!" utos niya at tumayo.

Lumayo ako at lumapit siya na gumigewang-gewang pa, "Mich, akin na 'yan." sabi niya sa isang malumanay na boses.

Ganito ba siya 'pag nalalasing?!

Sa sink ay tinapon ko na yung laman ng bote tapos inabot ko sa kanya, "O ayan." sabi ko.

Nagtaka ako nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Nilapag ko na ang bote sa mesa at tiningnan kung tulog na ba siya o patay na ba. Lol.

"Yan, tatanga-tanga kasi eh." sabi ko sabay kuha ng braso niya at binuhat siya sa couch niya. Malayo ang kama niya at ang bigat niya pa.

"Nyemas! Usong mag-diet. Tch." sabi ko nang malapag siya sa couch.

Pumunta ako sa kuwarto niya at kumuha ng unan at kumot doon. Matapos nun ay nilagay ko na ang unan sa ulo niya at kinumutan na rin siya. Pati mga sapatos niya ay tinanggal ko na rin. Inayos ko na ang mga kalat niya at nung buksan ko ang fridge niya ay halos malaglag na ang eyeballs ko.

Punung-puno ito ng mga pagkain at may mga alak na rin. Kinuha ko ang mga alak at tinapon ang mga laman nito sa sink sabay balik sa mga bote sa loob ng fridge.

Until We Meet Again (Hanggang sa Muli) {COMPLETED}Where stories live. Discover now