STIL13: Elephants

3.5K 124 43
                                    

         ---Present---

     “Pwede mo ba akong iuwi sa amin?”

     From the corner of Chronos’ eye he could see Vida wringing her fingers on her lap… the tone of her voice felt like she was pleading him to take her home… something that she didn’t have to do. Humigpit ang hawak ni Chronos sa manibelang hawak at pinalis niya ang anumang expresyong nasa muhka niya noong mga oras na iyon bago niya ito nilingon.

     He smiled at Vida who up until now didn’t dare to spare him a glance. Oo sumama ito pagkatapos ng check-up nito pero para itong bangkay na nagpatiaanod sa kung saan niya ito igiya. Walang imik at tulala sa bagong tuklas nitong kaalaman.

      “Ah oo… Kanina ka pa nga inaantay nina Mama at Papa…” Chronos saw her brows draw together with the way he addressed her parents as his so Chronos immediately corrected himself. “… Sina Tito at Tita.”

     Just smile, Chronos reminded himself though he was somehow disappointed with himself.

     Ilang beses na bang nangyari ito at hangang ngayon hindi pa siya nasanay.

     Vida had temporal epilepsy. Hindi ito nakakamatay na sakit.

     Isang rehiyon lang ng utak ni Vida ang inaatake nito… Hindi kagaya ng ibang may epilepsy normal lang kung tignan si Vida sa tuwing inaatake ito… Kabaligtaran ng nahihimatay at nangingisay, makikita na lang nila si Vida na nakatigil sa anumang ginagawa nito at tulala ng ilang segundo, minsan umaabot ng minuto. Walang particular na pattern ang atake ni Vida, minsan araw, buwan o kaya naman taon ang inaantay nila bago ito atakehin ulit. At sa tuwing babalik si Vida mula sa mga atakeng iyon isang parte na ng memorya nito ang nawawala. Unti-unting kinakain ng sakit na iyon ang memorya ni Vida sa pagdaan ng taon.

     Particularly the memories that she had with him…

 

     Muhkang hindi na siya masasanay, hindi—muhkang kailan man hindi na siya masasanay. Hangang ngayon nasasaktan pa rin siya sa tuwing titignan siya ng blanko ng sarili niyang asawa gamit ang mga mata nitong minsang mapagmahal na tumititig sa kanya.

     Sa mga susunod na araw ano kayang tingin ang ibibigay nito sa kanya sa oras na malaman nito ang iba pang dapat nitong malaman?

     Nilingon niya si Vida na kanina pa nilamon ng malalim nap ag-iisip base sa malayo nitong tingin sa labas ng bintana. Pero naramdaman nitong pinagmamasdan siya kaya lumingon ito sa direksyon niya. The instant she locked gaze with him, Chronos wasn’t able to last a second longer.

     Napaubo si Chronos at agad nag-iwas ng tingin.

     Vida still had that effect on him. Only Vida could make him feel flustered. Chronos was sure that with or without those memories she was still the Vida who made his heart skip a beat.

     Hindi namalayan ni Chronos na nakarating na sila sa maliit na garahe ng pamamahay ng mga Zaldua. Pababa na sana si Chronos ng mapansin niya kung paano tignan ni Vida ang kabuuan ng pamamahay ng mga magulang nito na para bang kay tagal na nitong hindi nakita iyon. Marahil dala na rin iyon ng pagkabigla nito ng magising ito sa ibang bahay na hindi naman pamilyar dito kaninang umaga. It was their house and just like him, her memory of it and all the special memories and important events that went with it were gone.

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon