Chapter 16: Kuya Kyle

294 6 2
                                    

--KYLE'S POV---

Pumasok si Kate sa loob.  

"Ano bang gusto mo sa kapatid ko?" Tanong ko.

"Wala naman pong--" Sabi ni Alex

"Anong wala? Pang-ilang beses ko na kayong nahuhuling--"

Biglang nagsalita si Kate.

"Kuya wala namang namamagitan samin!" Sigaw niya.

"Sabi ko pumasok ka sa loob."

Pumasok naman siya. Nung pumasok siya, tinuloy kong makipagusap kay Alex.

"Layuan mo kapatid ko." Sabi ko.

"Layuan? Hindi ko po kaya." Sagot ni Alex sakin.

"Ayaw ko siyang nasasaktan." Sabi ko.

"Hindi ko naman siya sasaktan."

"Yan din sinabi sakin ni Leo dati."

"Hindi ho ako si Leo. Magkaiba kami."

"Wala akong pakialam. Masyado nang maraming pinagdaanan si Kate sa buhay. Ayoko siyang pabayaang makasama ang kung sinong lalaki na sasaktan lang rin naman siya."

"Pagkatiwalaan niyo lang ako. Aalagaan ko si Kate."

"Umalis ka na."

"Mahal ko po yung kapatid niyo."

"Umuwi ka na!" Sabi ko.

"Hindi ako titigil." Sabi ni Alex habang sinasara  ko ang gate.

Alam kong masama ang loob sakin ni Kate. Pero ginagawa ko lang naman to para sakanya. Ayaw ko siyang masaktan. Alam kong naiyak na siya ngayon dahil ang alam niya binubugbog ko na tong si Alex sa labas. Napakaiyakin niya lalo na nung mga bata pa kami. Umakyat ako at kumatok sa kwarto niya.

Walang nasagot.

"Kate buksan mo ang pinto."

"Umalis ka na dito!!!" Sigaw niya sakin.

"Sisirain ko tong pintuan mo." Sabi ko sakanya.

"Kuya!!! UMALIS KA NA LANG!!!" Sigaw niya ulit sakin.

"isa."

"Kuya naman eh!!! ALIS NA!!! BAHALA KA JAN!!!"

"dalawa."  Bilang ko sakanya.

"Kuya!! I HATE YOU!!!!!!"

"Hanggang tatlo lang ang bilang ko."

"Please!!!! UMUWI KANA!!!!"

"dalawa't kalahati." Alam ko naman na nasa likod lang siya ng pintuan kaya bubuksan na niya -_-

*Clack* Binuksan niya yung pinto sabay takbo sa kama. Biglang tago sa kumot.

"Pinoprotektahan lang kita." Sabi ko sakanya habang papalapit sa kama niya.

Naiyak.

"Halika nga dito, bakit ka ba nagtatago jan sa kumot mo?" 

"Lagi ka nalang ganyan." Sabi niya sakin.

"Ayaw kitang masaktan." Sabi ko sakanya.

"Hindi naman kami! Sinasaktan siya ng papa niya! Hindi mo ba nakikita yung mga pasa nya!"

"Hindi kayo pero gusto ka niya."

"Pano mo naman nalaman!!"

"Sinabi niya sakin."

Di sumasagot 'tong kausap ko.

"Uy, may gusto ka rin sakanya no?!"

Sinuntok niya ko sa braso. "Wala no!!"

"Weh? Eh bakit kinikilig ka?!?"

"Anong kinikilig! Umalis ka na nga dito!!!!" Sabi niya habang sinisipa ako paalis ng kama niya.

"Haha. Kaya pala ah. Baby KATIE.  HAHAHA" 

"KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" 

"Hahahaha. Alexei Alexei ka pa ah!" Pangiinis ko sakanya.

Sinusuntok niya lang ako. 

Niyakap ko lang siya. "Wag kang magpapaloko ha. Patay sakin lahat ng mananakit sayo." 

Di parin siya umiimik.

"Kikilitiin kita jan."

"kuya naman eh!!!!!!!"

"Haha. Halika na, baba na tayo! Ang arte mo! isusurprise pa natin si Ja eh!!!" 

"Mauna ka na.. magaayos lang ako."

"Okay." Sabi ko sakanya habang paalis ng kwarto niya. "bye BABY KATIE" =))

Binato niya ko ng unan. 

"Bilisan mo! Bumaba ka kaagad." Sabi ko sakanya.

--------------------------------------

Hahaha. 

&Geo; Sorry for making Kyle oh so over protective and sweet kuya. I've just always dreamt for one =)))

Hope you guys enjoy! :)

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon