Chapter 2: OH MY MARCELO!

186 2 0
                                    

Chapter 2:  OH MY MARCELO!

-DiyosangManunulat.

****

Rica'POV.

Hay badtrip! Nag stay pa kami dito sa hospital ng 3 hours taragis na doctor yan, pa-VIP amputa! Tsk! Chill lang naman yung noo at ilong ko. Dugong lumabas lang inabot na kami ng 3 hours kakahintay para sa wala. Anak nang! Pasado alas-otso na kaya! =_=

"Tara na. Iuuwi nalang kita." sabi ni Van tapos nauna na siya maglakad. Napa-rolled eyes nalang ako atsaka sumunod sakanya. I'm not looking like his girlfriend, I'm looking like a dog. Tsk!

-

Marcelo'POV

"Over fatigue po ang iyong kaibigan. Kailangan lang niya magpahinga at wag ma-stress. Pag nagising na siya, painumin niyo nalang siya nung gamot na ibinigay ko, Okay?" sabi ng doctor. Tumango nalang ako as my answer.

Napakamot nalang ako sa ulo ko habang tinititigan na natutulog si Aly sa higaan dito sa hospital. Grabe naman kasi kung mag trabaho itong si Aly eh! Wala na atang pahinga ito. Sinasabi niya sa mga fans niya na tamad daw siya, pero sa totoo lang siya ang pinaka-busy saaming lahat. Ewan ko ba dito, napaka-hard working.

"Uyy Aril, alis muna ako ha? Bibili lang ako ng pagkain natin. Pag nagising si Aly painumin mo na siya ng gamot. Ha?" paalala ko kay Aril na nagbabasa ng libro sa tabi ni Aly. Tumango naman ito at nagbasa ulit ng libro.

Lumabas ako ng room. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko doon at nurse station. Tumingin naman ako sa kanan nakita ko si sir Van na nagmamadaling naglalakad tapos may kasunod siya na isang babae na mukhang naiinis. Hindi kaya, yun 'yung girlfriend ni sir na sinasabi ng mga kasamahan ko na nakita nila sa bar last last week? Parang ang bata naman ata. Well, nevermind.

-

MCDO.

Nakapila na ako ngayon sa McDo. Nasa pang-apat na line ako papunta sa counter. Hm, gutom na ako. Ang tagal! :3 

"Shet naman! Tagal oh! Kumukururuk na yung tiyan ko!" narinig kong reklamo ng nasa likod ko.

Hahahaha! Parehas lang tayo ate. Gusto ko sana sabihin kaso baka magalit, kaya napangiti nalang ako.

Halos 10 minuto pa ang tinagal bago ako nakarating sa harapan. Sa wakas! Makakabili narin ako at makakabalik na ako sa hospital. Gutom na gutom na panigurado si Aril. Kanina pang tanghali nagbabantay 'yun eh. 

"Hi sir. Good evening! Can I get your...number?—este order pala po. Hihihi!" sabi nung babae sa harap ko. Sige ate, pacute pa. Haha! Anobayan, nagugutom na ako eh.

"Hehe. Hm, dalawang monster coke float—" napatigil ako ng biglang nagsalita yung babae na nasa likod ko naman.

"Pucha naman oh! Kaya pala ang tagal ng pila kasi lumalandi pa yung cashier lady. Buset! Ngudngod ko mukha mo sa computer na nasa harap mo eh. tss!"

Si Idol. (Marcelo Santos III Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon