Chapter 1: Rica

406 4 0
                                    

Chapter 1: Rica

-DiyosangManunulat.

**

Rica's POV

"Ate Rica! Ate Rica!"  Napabangon ako sa higaan ng marinig ko ang boses ni Rain sa labas ng kwarto ko. 

Napatingin ako sa wall clock. It's 7:35AM.

Napabuntong hininga ako. 

Ano nanaman kaya kailangan netong batang 'to? Marcelo nanaman? Puro Marcelo nalang mukhang bibig nito I'm sure. Hay jusko! Sino ba yung Marcelo na 'yon?! Sinisira niya buhay ng kapatid ko!

"Baket?!" mataray akong tumingin kay Rain pagbukas na pagbukas ng pinto. Malawak siyang nakatingin at may hawak siyang white long folder. "Ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa hawak niya.

"Paggamit naman ng desktop mo ate. Pwede? I-a-add ko lang new account ni kuya Marce—" I cut her. Ayy oo, babae si Rain. Mukhang lalaki lang pangalan niya, pero babae siya. Okay?

"No! Ayaw ko! Layas!" Isasara ko na sana yung pinto, kaso bigla niyang hinarang yung paa niya.

"Pleaseeeeeeee?? I'm begging you ate! Last na 'to! Puraaaamis! PLEASEE?" halos lumuhod na siya sa harap ko para lang payagan ko siya.

That's what I'm telling you guys. Walang magandang maidudulot yang Marcelo na yan sa buhay ng kapatid ko. In reality, inaalipin lang niya si Rain. Kung alam ko lang, napakasaya na ngayon niyang Marcelo na 'yan dahil marami na siyang nabibihag na kabataan ngayon. Even my own bestfriend is addicted to him! Gosh! Kamukha lang naman niya yung tambay diyan sa kanto namin. Anak ng! Tss.

Tinignan ko ng masama si Rain. "Sige. Pero sa isang kondisyon."

Mabilis siyang tumayo at lumiwanang ang mukha. "Sige! Sige! ANYTHING! Ano 'yon ate?"

 

"Linisin mo buong bahay ngayon. Aalis ako. Deal?"

Nanlaki bigla yung mata niya. "WHAAAAT? Ate naman ehhh!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako maglilinis o Marcelo mo?! Pili!"

Nangasim bigla yung mukha niya. "Tsk! Sige na! Sige! Ako na maglilinis! Putek naman oh!"

"Ge pasok!" sabi ko. Then agad naman siyang pumasok. Dumiretsyo agad siya sa harap ng desktop ko tapos ayun maya-maya, kilig na kilig na. 

Hay nako! 

Mas minabuti ko nalang kumain mag-isa. Doon ako sa harap ng TV. Yey! Spongebob yung palabas! 

Ay teka..Ako nga pala si Rica Gonzales. Freshmen sa CEU Makati. BS Psychology ang course ko. Magaling ako kumanta at sumayaw. Lumalaban ako sa mga contest sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Nag try din ako sumali sa The Voice last year pero di ako tinanggap kasi wrong choice of song ako. Hindi ko alam kung bakit kasi Forevermore ang kinanta ko, eh panglalaki 'yon. Hay nako! Minsan nakakainis din maging ako, kasi tatanga-tanga ako.

Si Idol. (Marcelo Santos III Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon