Si Idol. (Marcelo Santos III Fan Fiction)

933 6 0
                                    

Si Idol. (Marcelo Santos III Fan Fiction) 

This novel is written by: DiyosangManunulat.

ALL RIGHTS RESERVED 2014.

**

Prologue

Ako si Rica.

Simple lang. Walang ibang hinangad kundi ang makita ang pinaka-idol ko sa lahat ng writer, si Marcelo. 

Noon wala lang naman saakin yan eh. Oo, naririnig ko na yung pangalan niyo everywhere. Pero hindi ko binibigyan ng pansin. Eh ano naman kasi mapapala ko kung aalamin ko kung sino siya, diba? Bakit mapapakain ba niya ako? Hindi naman diba? Kaya bakit ko siya pag-aaksayahan ng oras kung ang alam lang naman niya eh magsulat at gumawa ng video online.

Pero isang araw, nagbago lahat.

Hindi ko alam kung bakit napunta yung pangalan niya sa news feed ng facebook account ko. Hindi ko naman ni-like yung page niya, pero nandoon. Hula ko baka binuksan nanaman ng kapatid ko yung facebook ko at dito niya nilike yung page ni Marcelo. Hay nako!

Anyway, nagbago nga ang lahat ng pananaw ko tungkol sakanya ng makita ko ang post niya 15 minutes ago. Isa itong "today's advice" ni Marcelo at pumukaw ito ng atensyon ko...saktong sakto ang advice niya sa pinagdadaanan ko ngayon.

Today's Advice:

"Hindi ka pinanganak ng magulang mo para saktan lang ng ibang tao."

-Marcelo Santos III.

Si Idol. (Marcelo Santos III Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon