Entry Eleven

26.4K 200 125
                                    

 //Chapter Eleven

Nagbalik siya. Nagbalik si Cross...

Biglang tumingin si Eyoss sa direksyon namin. "Mommy!!!" sigaw niya.. Tumingin si Cross sa amin at kumunot ang noo..

Lumapit ako sa kanila at hinila ang kamay ni Winter.. "Hindi ba sabi ko sa'yo na wag matigas ang ulo?! Paano na lang kung mawala ka?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang galit ko.. Kinakabahan ako..

"Pero Mommy, sinabi ko naman po kay Summer kung saan ako pupunta ehh.." Sagot ni Winter at nagsimula ng umiyak...

"Winter..." lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ang luha niya.. "I'm sorry baby. Hindi kasi kaya ni Mommy na mawala ka. Halika aalis na tayo.."

"Wait Mommy!!! Ito po kasing guy makulit. Sabi niya po siya daw si Cross.." Tinuro niya si Cross at tumingin siya sa akin.. "Di ba po Mommy ako si Cross?"

Tumingin siya kay Cross at nagsalita..."Mister ako po si Winter Cross "Eyoss" Sandford.." Tumingin sa akin si Cross ng may pagtataka... "Eya..."

Naaalala niya na ako? Agad kong hinila sa kamay sila Eyoss at Summer.. "Halika na kayong dalawa, aalis na tayo..."

Hinabol kami ni Cross.. "Eya, wait!! Mag-usap tayo..." sigaw ni Cross

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa.." sagot ko sa kanya. Tumakbo ako habang hila-hila sa kamay silang dalawa. Kailangang makaalis na kami sa lugar na ito. Huminto lang ako sa pagtakbo ng makarating kami ng parking lot..

Agad kong pinasakay sa backseat sila Winter and Summer.. "Mom, sino siya?" tanong ni Summer.. HIndi ko siya pinansin. Masyadong magulop ang isip ko dahil sa nangyari..

Bakit ngayon ka pa nagpakit Cross? Bakit ngayon pang tahimik na angbuhay naming tatlo? Anong balak mo?

"Mommy!!!" Sigaw ni Summer, bigla kong natapakan ang preno..

"Shut-up Summer!! Hindi mo ba nakikita na nagmamaneho si Mommy?!" sigaw ko sa kanya.. Huminto si Summer. Kaya nilingon ko siya at nakita kong umiiyak siya..

"Summer baby, I' sorry. Masakit lang ang ulo ni Mommy."

"Mommy I'm sorry too kung makulit ako. I love you Mommy..." sagot ni Summer

"I Love you too honey.."

"Mom, i Love you too.." sabat naman ni Winter.. "Of course baby I know that and I love you too.."

Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala man ang isa sa kanila. Sila ang buhay ko..

Kinagabihan ay tumawag ako kay Chad at kinuwento ko ang nagyari kanina sa supermarket...

"Peppy, what's your plan?" tanong ni Chad..

"I don't know Chad.. What if kunin sila ni Cross sa akin? Hindi ko kaya..." sagot ko.

"Peppy, hindi naman siguro gagawin ni Cross iyon..."

"Sana nga Chad. Sana nga.." Pinindot ko na ang end button. At pumasok na sa loob pero napahinto ako ng makatinig ako ng sumisigaw sa labas, kinakalampag ang gate... Agad kong pinuntahan sa kwarto sila Summer and Winter para i-check kung okay lang sila..

"Winter, Summer are you okay?"

"Yeah Mommy, were fine.. Sino po yung sumisigaw sa labas ng house?" tanong ni Winter

"I don't know Eyoss. Dito lang kayo, wag kayong lumabas kahit anong mangyari. Okay?"

"Yes Mommy, we promise.."

Paglabas ko ay nakita ko si Cross. Pinaghahampas ang gate namin. Lasing na lasing siya..

"Eya!! Lumabas ka diyan!! Mag-usap tayo!!!" sigaw ni Cross sa labas habang kinakalampag ang gate..

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan Cross."

"Meron Eya, please mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako..."

"Umalis ka na Cross. Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo.."

"No Eya!! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasasabi sa'yo ang gusto kong sabihin.." 

"Umalis ka na Cross. Kung hindi ay magpapatawag ako ng pulis!!"

"Hindi mo pwedeng gawin yon Eya.. Asawa mo ako.." 

"Asawa? Hindi Cross, hindi mo ako asawa.." Sagot ko sa kanya. Nararamdaman ko na anumang oras ay babagasak na ang luha kong kanina ko pa pinipigil. Kaya naman  tinalikuran ko na siya..

"Eya!! Ano bang pinagsasabi mo diyan?! Asawa kita!!! Please Eya kausapin mo ako..."

"Hindi Cross. Umalis kana!!!"  sinarado ko na ang pinto..

"Hindi ako aalis dito Eya, hangga't hindi tayo nag-uusap.." Sigaw niya sa labas. Tuluyan na ngang bumagsak ang luha kong kanina ko pa pinipigil... Bakit Cross? Ano bang kasalana ko sa iyo? Bakit ayaw mo akong tigilan?

Wala na akong narinig na sumisigaw sa labas. Kaya naman sumilip ako, pero wala na si Cross. Lalabas sana ako, pero biglang bumgsak ang malakas na ulan, kaya naman pumunta na lang ako asa kwarto nila Winter an Summer para tingnan kung tulog na sila..

"I'm sorry Eyoss, Summer. Kailangang gawin ito ni Mommy para sa ikabubuti niniyo.." bulong ko at hinalikan na sila sa noo..

Kinabukasan..

Kahit wala pa akong tulog ay kailangan ko ng bumangon ng maaga para maghanda ng breakfast ng dalawa. I always make sure na bago ako umalis ay maayos na silang dalawa. Nagpapasalamat ako na sumama si Ate Helen sa akin nung umalis ako sa Mansion. Kahit na wala siyang suweldo ay inaalagaan niya sina Eyoss and Summer. Napadaan ako sa sala, at bigla akong kinabahan ng makita kong nakabukas ang gate. Pero bigla akong natigilan.

Si Cross at Eyoss nag-uusap... Pero akala ko umalis na siya?

"Eyos!!!" sigaw ko, kaya naman napatingin sa akin ang dalawa..

"Mommy!! Look, the guy on the supermarket is here. He's looking for you..."

"Eyoss pumasok ka sa loob.." utos ko sa kanya..

"Yes Mommy..."

"Ano pa bang kailangan mo Cross? tigilan mo na kami!!!"

"Please Eya, gusto ko lang naman malaman kung---kung anak ko siya..." 

"Oo anak mo siya Cross. Kaya kung pwede lang ay umalis ka na!!!"

"Pe-pero Eya..."

"Umalis ka na Cross, nakikiusap ako. Tigilan mo na kami..." 

"Pero Eya, mahal kita. Huwag mo naman gawin sa akin ito..."

"Mahal? Hindi ka matunong magmahal Cross. Iniwan mo ako sa panahon na kailangan kita at ngayon babalik ka?" 

"Eya, inaamin ko may kasalanan ako sa iyo pero may sakit ako noon. Hindi kita maalala, gulong-gulo ang isip ko ng mga panahon na iyon..."

"Cross umalis ka na!!!" Ayoko ko ng pakinggan ang iba pa niyang sasabihin

Umalis si Cross na lugong-lugo. Patawarin mo ako Cross pero kailangan kong gawin ito. Para sa mga anak ko. Para sa mga anak natin...

 xoxo,

Dhang

DATE POSTED: August 05, 2012

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon