Chapter 20

173 16 5
                                    

a/n: Sorry kung natagalan sa pag update (Π_Π)V..

Ayieka's POV

Nagising ako sa tunong nang alarm clock sa phone ko. kinuha ko yun sa bed side table at pinatay, tiningnan ko na rin ang oras nito.

"ala sais na pala" humihikab na anas ko sa sarili. alas nuwebe pa kasi ang minor subject ko. sinadya ko lang magpa alarm ng ganito kaaga para makapag linis pa ako dito sa apartment, ilang araw ko na rin kasi 'tong hindi nalilinisan.

bumangon ako sa pagkakahiga pero bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ay tiningnan ko muna ang sugat ko sa braso at sinalat yun.

"mabuti nalang at hindi ganon kalalim, sana lang hindi 'to mag peklat dahil pag nag kataon,higit pa dito ang gagawin ko sa'yo alexis" sabi ko sa sarili saka naglakad palabas.

pumasok muna ako sa banyo saka nag hilamos, pagkatapos ay lumabas na ako at dumiritso sa maliit na kusina at nag luto ng kanin. habang hinihintay ko yung maluto ay nilinis ko muna ang sala.

saktong tapos na ako sa paglilinis nang maluto ang kanin. kumuha ako ng pwedeng baonin sa school, kumuha na rin ako ng isang itlog at niluto yun. inilgay ko muna yun sa ibabaw nang mesa para palamigin.

pumasok akong muli sa kwarto at yun naman ang nilinis ko. ilang minuto rin akong naglinis bago natapos, ipinag isa ko lahat ng basura at isinilid yun sa isang lalagyan.

lumabas ako ng apartment bitbit ang plastik na may lamang mga basura, naglakad ako papuntang kabilang kalye. don kasi nakalagay ang basura ng mga tao buong araw na kukunin rin naman ng mga kolektor bago mag gabi . pagkatapos kung ilagay ang basura ay bumalik na ako sa dinaanan ko.

papasok na sana ako nang may lalaking lumapit sa akin.

"Hi. Pwede mag tanong?" aniya. tiningnan ko lang siya at hindi sinagot."hey, naririnig mo ba ako?" kumunot ang noo ko.

"Oo, yun na ba ang tanong mo?" walang emosyong tanong ko.

"Hindi, aah haha" pagak itong tumawa habang kinakamot ang ulo."Just wanna ask you kung may bakanti pa ba sa apartment dito?" aniya.

"hindi ako ang land lady dito. kung may tanong ka, sa kanya ka dumiritso" anas ko saka tumalikod.

"sungit. hindi naman ganon ka ganda" rinig kung bulong niya.

(>_<)..

fair enough! dahil hindi ka rin naman kagwapohan.

dumiritso agad ako sa kusina at kumain, nilagyan ko na rin ng kanin at ulam ang baonan ko. Nang matapos ako ay pumasok na ako sa banyo at naligo.

Ilang minuto pa akong nanatili sa banyo bago lumabas. nagbihis na ako pagkapasok sa banyo at nag ayos ng buhok.

kinuha ko ang bag ko, dinala ko na rin ang gitara ko para mamaya. ayaw ko na kasing umuwi, aksaya lang yun sa oras pati na rin ng gasolina.

inilapag ko lahat ng gamit ko sa bakanting upoan at pumunta sa ref. kinuha ko ang fresh milk na naron at ininom saka ako nag toothbrush.

Nang matapos na ako ay saka lang ako lumabas nang apartment pero nagsalubong ang kilay ko nang makita kong nakatayo pa rin yung lalaki na nagtanong kanina at may kasama na ito.

"Hi there, pwede ko bang makausap ang land lady dito?" yung lalaking kulay blue ang buhok ang nag salita. yes, kulay blue ang buhok niya. akala niya siguro bagay sa kanya e hindi naman.tss.

sinulyapan ko muna yung isang kasama niya na nagtanong sa akin kanina at muli ko siyang tiningnan.

"hindi" tipid at walang emosyon kung sagot. nag tininginan naman silang dalawa.

Tears of an angel (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon