Chapter Eleven

88.3K 1.8K 107
                                    

MEDYO kinakabahan siya dahil habang nagbibihis ang kasintahan ay nakatanggap siya ng text message mula kay Bree. Pinapasabi daw ng kuya niya na pumunta sila sa bahay nila. Kung bakit hindi niya alam.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Albie dahil maging ito ay kinakabahan din. Mas kinakabahan ito.

"Medyo hindi kasi ganyan ang ugali ni kuya and you know that." alam niyang may masamang mangyayari. Pagdating nila sa labas ng bahay ay napansin niyang nandoon din ang kanyang mga kaibigan and from the looks of it ay alam niyang may masamang nangyari. They are all holding their cellphones. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, may hindi siya magandang nararamdaman.

"Kuya, bak-." Napatili siya ng biglang bumulagta sa sementadong daan si Albie. Parang déjà vu, ganito din iyong nangyari sa kapatid niya ng magkaayos sila ni Bree. Pero may kakaiba kasi, hindi gumagalaw ang mga tao sa paligid nila as if they are expecting this to happened. And their faces are murderous right now.

"I deserved that." sabi ni Albie habang nakalupasay ito sa sahig, pinunasan ng likod ng mga palad nito ang gilid ng mga labi nito na may bahid ng dugo.

"And you deserved to be beaten to death you asshole! Pinagkatiwala ko ang kapatid ko sa iyo pero ano itong ginawa mo." Ipinakita nito ang cellphone nito na may lamang video nito. Shit! Si Nadine! Si Nadine Ang nagsend ng video. Ibinato ng kapatid ang cellphone nito sa tabi ni Albie halatang galit na galit ito. "Tinanggap ka namin Albie pero hindi ko alam na gagaguhin mo pala kami ng ganito." Hinila nito ang kwelyo ni Albie at saka sinuntok uli.

"Kuya tama na iyan!" Pigil niya dito.

"No! Allyxandreia stay away from this alam mo ba kung ano ang ginawa ng lalaking ito-."

"Alam ko kuya! Dahil ako ang unang nakakuha ng video na iyan."

"At sumasama ka pa rin sa kanya? Manloloko ito." At sinuntok uli nito si Albie. Kinabahan siya dahil may nakita siyang dugo sa gilid ng mga labi nito at pati na rin sa ilong nito.

"Tama na please huwag mo na siyang saktan."

"Mahal ko si Allyxa, Allyx." Matapang na hinarap ni Albie ang kapatid niya. Pagak na tumawa ang kapatid niya.

"Mahal? Damn you Albie!" at tiningnan siya ng galit na galit na kapatid. "Kailan pa kayo may relasyon?"

"Tw-Two months na." sagot niya.

"Shit! Fucking shit Allyxandreia! Hihiwalayan mo si Albie ngayon din."

"No! Ayoko! Matanda na ako hindi ko siya hihiwalayan dahil mahal ko siya." Hindi siya papayag na malayo pa siya sa kasintahan. Masyado ng maraming taon ang nasayang sa pagitan nilang dalawa.

"Ikakasal ka na at hindi kay Albie iyon, naka-arrange na ang kasal mo kay Grayzon. Ikakasal ka sa lalong madaling panahon kaya hindi ka na makikipagkita sa kanya. Kung kailangan ka naming ikulong sa kwarto mo iyon ang gagawin namin."

Gusto niyang sumigaw sa mga naririnig niya, agad niyang hinanap ang mga magulang at nang matagpuan ang mga ito ay disappointment ang nakita niya sa mga mukha ng mga ito.

"You can't do this to me kuya. You can't."

"Beat me. I can. Miggy ipasok mo na ang ate mo." At kumilos ang nakakabatang kapatid niya at hinila siya papasok ng bahay.

"Miggy please don't." pagmamakaawa niya sa nakakabatang kapatid.

"Sorry ate pero hindi ko gusto si Albie para sa iyo. Hindi ka magiging masaya sa kanya." Hinawakan siya ni Miggy.

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon