Chapter Four

94K 1.9K 95
                                    

            "FINALLY! Welcome to civilization Allyxa." Nakangising bati ni Yelena sa kanya habang abala ito sa pagtipa ng kung ano sa laptop nito. Yelena is working. Nasa isang executive club sila na naging place to hang-out na nila kapag gusto nilang mag-unwind. Paradizo is like a paradise to them, since they can afford it they have a VIP access. There's a glass room at the second floor, sound proof kaya pwede silang mag-usap ng kung anu-ano ng hindi naiistorbo.

"Minsan lang tayong magkita dito tapos may dalang trabaho ka pa rin?" nailing na tanong niya dito nginisihan lang siya ng kaibigan.

"Two minutes, matatapos ko lang ito just give me two minutes. I am hacking one the world's biggest investment company owned by this certain I forgot his name."

"You are not working?" inis na isinara ni Dane ang laptop ni Yelena na naging dahilan kung bakit napatili ito.

"Dane! What the hell? I'm seconds away."

"Whatever!"

Inis na iniwan ni Yelena ang laptop at kinuha ang daiquiri cocktail drink nito.

"I thought you don't like manhattan?" tukoy nito sa drink na iniinom niya.

"I want to try something new." Sagot niya.

"Do you still have the video?" Dane asks.

Ang dalawa lang ang may alam tungkol sa video, saksi ang dalawa sa lahat ng mga ginawa niya dati noong mabrokenhearted siya at wala siyang itinago sa mga ito.

"Yes."

"Ibigay mo sa kanya Allyx at nang malaman niya. Paano niya malalaman ang nagawa niya kung hindi mo sasabihin." Dane suggested.

"I think iyan lang ang tanging paraan para tigilan ka niya."

Umiling siya. "Not now."

"Alam mo sinasaktan mo lang ang sarili mo." Natigilan siya sa sinabi ni Yelena sa kanya. The same words na nagpaalala sa kanya kung gaano kasakit ang umasa na sana ay totoo ang isang bagay na in the end isang malaking kasinungalingan lang pala.

"I know, it's my entire fault. Kasalanan ko kung bakit umasa ako at naniwala sa mga sinabi niya. Letse naman kasi iyang si Alfonso sana hindi nalang niya sinabing liligawan ako."

"I think someone is already drunk." Inagaw si Yelena sa kanya ang hawak niyang mojito. "Nag-tequilla ka talaga as if naman kaya mong maghold ng hard drinks."

Tumawa siya dahil sobrang gaan ng kanyang pakiramdam, wala na rin siyang nararamdaman na kahit ano. She can't even feel her body and think straight.

"Oh God I am so nahihilo na." reklamo niya. "And I sounds like Yelena." She giggled, yes, she is really-really drunk.


HALOS two years din na nanliligaw sa kanya si Albie, tinotoo talaga nito ang sinabi nito sa kanya na liligawan siya nito. Everytime they see each other palagi itong may dalang mga bulaklak at chocolates, minsan ay stuff toys and he is really sweet and caring. No wonder ang puso niyang dati ay crush lang ngayon ay mahal na mahal na ito.

Her first crush. Her first kiss. Her first love.

Napangiti siya sa naisip niya, gagraduate na siya ng high school at papasok siya sa university kung saan ito papasok. Excited na siya dahil ngayon ay sasagutin na niya si Albie kahit na hindi alam ng pamilya niya at kahit siya lang ang may alam. Nagawa niyang itago ang lahat kahit na kay Yelena at Dane, ganito talaga yata kapag mahal mo sinusunod mo kung ano ang gusto ng mahal mo.

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon