Chapter One

165K 2.3K 82
                                    

            "THAT'S what happened, I have this strong feeling na like talaga ni kuya Allyx si girl painter." Tinigil niya ang pagspray ng tubig sa orchids na inaalagaan at tiningnan si Yelena gamit ang iPad niyang nakasabit sa isa sa mga sanga ng puno na malapit sa kanya.

"Really? My brother like someone?" she pushed some hair strands covering her face. Being away from her family since she started living alone means less news from them. And what she heard from Yelena got her curiousity. Ang panganay nila ang isa sa pinaka-aloof na tao na nakilala niya. Tapos maririnig nalang niyang may pinagkakaabalahan itong babae. That's really a news.

"Pinatulog niya sa room niya sa guesthouse. Hindi ba ayaw niyang may tumapak doon dahil sa kanya lang iyon, nag-away pa nga kayo minsan dahil sa room na iyon pero pina-stay niya doon si Bree. And then the way he looks at her parang may something talaga kikiligin ka promise." At tumili pa ito na parang kinikilig na teenager. "Nakakawala ng ulirat ang namumuong love story sa kuya mo."

"This Bree, is she enough for my brother?" seryosong tanong niya and removed her gloves right after mailagay ang iPad sa ligtas na lugar.

"I don't know yet alam mo naman no one will be enough for someone but I guess she is perfect for your brother kaya nga maldita mode ako ngayon." Ngumisi ito. "You know." Nagtaas-baba ang mga kilay nito.

"Yeah, I know."

"Ikaw kailan ka uuwi?"

"I am still busy here in the farm may bagong tubong mga bulaklak na hindi ko pwedeng iwanan." Palusot niya. Ayaw lang talaga niyang lumuwas pa ng Maynila dahil sa tinatamad siya.

"Your flowers are stealing you away from us. Tita Belle wants to see you angel so please lang umuwi ka kahit ilang araw sa house niyo." Sinabuyan niya ng hindi interesadong tingin ang kaibigan. Alam niya ang rason kung bakit pinapauwi na siya nito, malamang ito ang nautusan ni tita Ashley na pabalikin siya.

"Tell me, sino ang nag-utos sa iyo na pauwiin ako?"

Ngumiti si Yelena, "May bagong client na gusto kang maging model. Hindi siya mahindi-an ni tita Ashley and since your contract is still valid so you have to do it. Kapag hindi ka pumayag ay gagawa sila ng paraan para mailit ang lupa mo diyan, wherever you are." Ilang beses na ginawa ng mga magulang ang bantang iyan.

"I don't want to model, why me? Nandiyan ka naman."

"As much as I wanted to take your place but I'd rather not, hindi bagay sa akin ang concept ng magazine cover."

"How about Dane?"

"Naunahan ka na niya girl, nakapagtago na si freeny."

Malakas siyang napabuntong-hininga. She really hates it! Alam naman ng mga ito na ayaw niyang magmodelo, well, noong kabataan niya ay nakahiligan niya iyon. Kaya lang iba noon sa ngayon, iba na ang gusto niya. Mas gusto niya ang manatili sa kanyang flower farm at mag-alaga ng mga halaman ng tahimik.

Tiningnan niya si Yelena na abala sa pagpili ng mga sapatos sa isang shoe boutique. Kung siya ay nakahiligan ang mga bulaklak sapatos naman dito at sports ang kay Dane. Iba-iba ang hilig nila sa buhay pero nagkakasundo sila.

"Freeny, look." Itinaas nito ang kulay silver na sapatos. "You'll love this, wear this once you are here in the City." Napabuntong-hiningang tumango siya dito.

"Thanks Yel."

"Do I need to make you sundo?"

Umiling siya. "No need, uuwi din ako. May kliyente din akong kailangang kausapin. Tell mommy and daddy I'll be home in three days."

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon