Chapter Three

97.2K 2K 87
                                    

ABALA si Allyxandreia sa kanyang binabasa habang nasa ilalim siya ng paborito niyang puno ng school campus kung saan siya nag-aaral. Actually may hinihintay siya, sinabihan kasi siya kanina nito na hintayin daw niya ito. Sino pa ba? Eh di si Albie. Naiinis nga siya dahil kanina sinabi nitong sabay silang maglunch excited pa naman siya pero hindi na naman nito tinupad ang sinabi nito because as usual may kasama na naman itong babae.

It hurts her.

Sabi niya okay lang na magsimula sila bilang magkaibigan pero mukhang hanggang doon lang talaga sila. May girlfriend na raw ito eh sabi ng mga classmates niya na panay gossip kay Albie.

Naging close friends sila sa totoo lang and yes, umamin ito sa kanya na gusto nito ang ate Kissa na asawa na ngayon ng kapatid nito. Pero alam nitong hindi na pwede kaya sinabihan niya itong ibaling sa iba ang pagtingin nito para sa asawa ng kapatid nito and yes, he did that. Pero hindi naman niya akalain na sa iba-ibang babae pa. Bakit hindi nalang sa kanya?

Nakakadepressed.

Fourth year high school na ito at malapit na itong mag-graduate, maiiwan na siya nito.

"Uy, sorry late ako." Hayun na naman ang malakas na pintig ng puso niya ng marinig ang boses nito. Wala na matagal na siyang hulog na hulog na dito.

"Okay lang." sagot niya habang nagbabasa pero wala naman siyang maintindihan sa binabasa niya. Kinuha nito ang libro sa kanya kaya natitigan niya itong mabuti.

"Kapag kasama mo ako huwag kang magbabasa hindi mo makikita ang kagwapuhan ko." Ngisi pa ito. Natawa nalang siya sa kayabangan nito habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang hangin sa lalaking mahal niya.

"Yabang mo no?" hinampas pa niya ito, palihim na chansing.

"Masakit iyon ah halika nga dito." he motioned her to come nearer na para bang may ibubulong sa kanya kaya lumapit naman siya and the next thing he did is an unexpected thing that she didn't see that coming. He just kissed her! At hindi lang kiss sa pisngi pero kiss sa lips niya, mabilis lang pero damang-dama niya ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Napakurap siya at nanlalaki ang mga matang napatitig dito. "Yan, marked na kita ha. Wala ng pwedeng manghalik sa iyo ako lang." napahawak siya sa kanyang mga labi.

"Bakit mo ginawa iyon? First kiss ko kaya iyon!" naiiyak na hinampas niya ito. Tumawa lang ito ng malakas at saka hinabol ang mga kamay niya.

"Alam ko kaya ako na ang kumuha para hindi naman masayang gusto mong ibalik ko?"

"Alfonso Benedict!"

"Joke lang naman." Malakas itong tumawa pero bigla namang sumeryoso. "Liligawan kita Allyxa."

Her heart almost stopped beating when she heard what he had said, hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito or joke pa rin kasi hindi ba kabi-kabila ang mga girlfriends nito pero sasabihin nitong liligawan siya nito? Ilang beses na rin siyang naheartbreak pero heto pa rin siya at nagtatiyaga. Hindi ba ito ang hinihintay niya?

"Are you serious?"

And he looked serious, sa isang taon mahigit nilang pagkakaibigan ay basang-basa na niya si Albie. As in sa sobrang basa niya ay kahit masakit ay natatanggap pa rin niya ito and right now she can see how serious he is.

"Seryoso ako. Bakit busted na ba ako? Huwag naman magsisimula pa lang ako."

"Patay ka sa kuya ko."

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon