Epilogue

25.9K 399 197
                                    

Epilogue:

Hero POV

 

Ang daming nangyare matapos ang tatlong taon, isa na rin ako doctor kagaya ng tatay ko. Malaki na rin ang kapatid kong si Chuchai at alam ko naman na masaya ngayon ang kapatid kong si Fiona kasama si Peter at ang anak ko.

 

Bigla ko naalala ang araw na nalaman ko na kapatid ko si Fiona. “Totoo bang si Fiona ang nawawala kong kapatid!” hawak ko ang kwelyo ni Peter habang nasa maliit na tirahan nya ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon sa sarili ko. Galit sa sarili ko at galit para kay Peter ng kung di nya tinago ang sarili kong kapatid hindi ko magagawa sa kanya ‘yon.

 “Sorry kung tinago ko sya sa’yo. Napalapit na sya sa’kin dati kaya natakot akong kunin mo sya sa’kin.” Malumanay na sabi nya pero mukhang wala sya sarili habang sinasabi iyon.

“Sabihin mo kung nasan sya ngayon! Babawiin ko na sya sa’yo!”

“Hero. Buntis ang kapatid mo.” Bangit nito.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko gusto ang tingin nya sa’kin parang may hindi maganda pahiwatig. “Anong ibig mong sabihin?”

“Buntis sya at ikaw ang ama.”

Napabitaw ako sa pagkakahawak ko ng kwelyo sa kanya. “Ginagago mo ba ako?”

“Tingin mo kaya pa kitang gaguhin sa ganitong oras? Oo aaminin kong naging gago ako kaya naging ganito ang sitwasyon kung ‘di ko lang sana sya sinaktan noon hindi mangyayare sa kanya ‘to.”

Sinuntok ko sya ng malakas dapat nga sya ang sisihin dito. Kung ‘di lang sya naging sakim hindi mangyayare to! Ang gago nya!

“Isa lang hiling ko wag mo na sanang ipaalam na kapatid mo sya baka di nya alam ang gagawin nya sarili nya.” May pagmamakaawa sa mata nya habang nakaupo sa sahig dahil sa suntok na ginawa ko sa kanya.

Napahilamos na lang ako ng mukha pakiramdam ko pasan ko ang mga kasalanan ng tao sa’kin at ako ang dapat makonsensya. Sinunod ko ang gusto ni Peter umalis ako ng bansa para hindi na magkrus ang landas namin tatlo pa pero mas nagulat ako sa natuklasan ko sa sarili ko hindi ko ipagkaka ila na kahit nalaman kong kapatid ko sya ramdam ng puso ko na mahal ko sya higit pa sa kapatid. Napakaimoral kung iisipin pero walang pinipili ang puso kung sino ang pwede mong mahalin miski kapatid mo pa ito o kamag anak.

“Kamusta na kaya sila ngayon?” tanong ko sa sarili ko habang nasa isang magandang lugar ako dito sa Las Vegas.

Kamusta na kaya sila nila Peter? Naiingit ako sa kanya dahil nakakasama nya ang kapatid at taong minahal ko ng totoo.

Nawala ako sa malalim kong pag iisip ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Yung sa secretary ko sa hospital sinasabi nya na kailangan ko na daw bumalik sa hospital dahil may isang bata daw ang inaatake ng asthma kaya dali dali ako umalis.

Pagdating ko sa hospital agad ako nag bihis ng uniform ko at agad chineck ang batang babae. Mukhang tatlong oras na syang hirap huminga. Pinaayos ko sa mga nurse ko ang mga aparato at ginamot ko na ang bata.

She's Pregnant With Her BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon