Scene 20- The Time

22.4K 424 132
                                    

Scene 20- The Time

10:11 pm

Magkahawak kami ngayon ni Steven ng kamay at tinitignan ko sya ngayon matulog katabi si Kerobiel,nakakatuwa silang dal'wa para talaga mag ama pero syempre mas hawig pa rin ni Peter ang bata. Nakakagulat man pero totoo nga anak ko si Kerobiel.

Walang sawa humingi ng tawad sa akin si Tita dahil tinago nya sa akin ang bata miski kay Steven napamahal na daw sa kanya ang bata dahilan upang angkinin si Kerobiel pero kahit ganon pinatawad ko sya ang mahalaga ay nahahawakan ko ang anak ko at nayayakap. Akala ng doctor dati ay patay na ang bata pero matapos ang 30 minutes ay nagtaka sila sa pag nguwa ni Kerobiel. I can called it a miracle dahil hindi pakaniwalang mang-yayare yun.

Sinabi ko na rin kay Tita ang totoong hindi anak ni Steven ang bata na kinagulat nya,wala naman syang karapatan magalit dahil inangkin na nga nya ang anak ko.

5:54 am

"Fiona." nagising ako sa haplos ng buhok sa akin ni Steven. Nakangiti sya sa akin pero halata sa mata nya ang hirap na nadarama nya. Agad akong napatayo sa pagkakahiga at hinawakan muli ang kamay nya. "Bakit? May masakit ba sayo?" tanong ko habang hinaplos ang buhok nya.

"Samahan mo ko sa may garden. Gusto ko makita ang sunset."

"Pero baka mabinat ka?"

"Please?"

Wala na kong nagawa at sinunod ang gusto nya. Kinuha ko yung wheel chair at inaalayan sya para umupo dun inaayos ko rin ng higa si Kerobiel para naman hindi sya mahulog sa kama.

Nang makarating ako sa garden ay umupo ako sa malaking bato at umupo sa harap nya hawak ang kamay nya.

"Fiona alam mo ba may tula akong sinulat sa'yo habang hinahanap kita?"

"Talaga? Parinig nga!"

"Sige makinig ka."

"Naman!"

"With You,this feeling is besotted

With Your eyes,my heart got spotted

With Your arms,I wanna stay forever

And bestow my feelings for you longer." nakatingin sya sa papasalubong na araw habang tumutula masidhi naman akong nakikinig sa kanya.

"Afraid of loving

If I'm the only one whose been hurting

Keep this feeling,

I just wanted to think that this is nothing." bigla syang tumingin sa akin,laking gulat ko naman na may tumutulong luha sa mga mata nya. Kaya naman pinunasan ko ito hindi ko alam pero napaluha rin ako.

She's Pregnant With Her BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon