Scene 18- 3 Weeks

19.3K 378 47
                                    

Scene 18- 3 Weeks

Peter's POV

Hinalikan ako bigla ni Ynna na kinagulat ko kaya naman natulak ko sya ng malakas,pero bakit ganon di ba dapat masaya ako kasi hinalikan nya ko?

"Peter?"nahimasmasan naman ako sa pagbangit nya ng pangalan ko.

"Ayaw mo ba ng halik ko?" ang daming pumasok sa isip ko,hindi ko maintindihan bakit dapat hindi nya ko hinalikan!?

Pinunasan ko yung labi ko "Ynna bakit mo ginawa 'yon?"

"Peter hindi pa ba obvious? Mahal kita,gusto kita." seryoso nyang sabi sa akin na nangingilid ang luha.

Mahal? Gusto? Pero teka bat ganon, ganito yung nadarama kung nakita ko si Fiona kanina,di kaya eto yung bagay na tinutukoy sakin ni Father? Na wala akong gusto kay Ynna? At yun ay dahil nangungulila ako sa isang tao kaya ko sa kanya naibaling at ngayon dumating na si Fiona, nawala na ito?

"Peter mahal mo ba ako?"lumapit sya muli sa kin at hinawakan ang dalwa kong balikat.

Hinawakan ko ang kamay nya at tumingin sa mata "Ynna, masaya ako dahil lagi kitang nasa tabi,pinapasaya ako kahit corny ang jokes mo,pinagluluto kahit laging sunog,lahat ng bagay na 'yon na appreciate ko."

"Kaya dahil don mahal mo ko?"

"Pero.. mahal kita bilang kaibigan."masakit pero kailangan kong sabihin.

"Dahil si Fiona ?" inalis nya yung pag kakahawak ko sa kamay nya at tumulo na rin ang luha nya.

"Hi-ndi ano--"

"Stop, I knew it. Stop denying please. It just hurt me."

"Ynna--"

"It was fine with me, pero magkapatid kayo Peter! Don't you think of it!? It was a forbidden love!" pasigaw nyang sabi.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso "Hindi kami magkapatid ni Fiona."sa pagbitaw ko ng salitang 'yon nakita ko na nagulat sya.

Hangang sa naalala ko na natutulog sya sa kwarto at bahagya akong tumakbo doon para tignan kung gising na sya baka narinig nya ang pinaguusapan namin.

"Fiona!"napasigaw ako dahil wala si Fiona,asan sya? Pero nakita ko na andun yung gamit nya,san naman sya nagpunta?

"Andito si Fiona?" napalingon naman ako kay Ynna na nakatingin din sa kwarto.

She's Pregnant With Her BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon