Special Chapter (My First Story At The Age Of 13 or 14)

60K 783 79
                                    

Hallloo! Isisingit ko muna to dito..share ko lang to dahil ilabsss you all, bwahaha! First story ko po to noon na hindi ko matapos tapos. 13 po ata ako non or 14 ng sinulat ko to. For me eto ang una kong story dahil eto lang yung matino tino kesa dun sa dati kong ginawa,bwahaah! Nung grade 5 ako meron din akong sinubukan at ayun..parang script imbis na story, hihi:))

Patapos na po to..at malapit na ang ending..hindi ko lang talaga ma gets kung bakit hindi ko matapos, tsk tsk. Libre lait po dito, nyahaha!

ps: eto po ay pocketbook style at ang bs po nito ay ine-dit ko ngayon ngayon lang ng medyo polluted na ang utak ko:)) hindi po to connected sa bho though T__T nilagay ko lang po dito para tipid sa space, bow^__^

-MsButterfly

BRATTY GIRL

Chapter 1

"I'm tired of this Hermione!" galit na sigaw ni Hemanuel Montevedre isang British na bussiness man, sa bunsong anak na si Hermione na sa kasalukuyang nag sa-soundtrip habang naka taas ang paa sa lamesita.

Tinignan lang ni Hermione ang kanyang ama at binalik ang pagkakalagay sa tenga nang kanyang earphone. Wala sya sa mood na marinig na naman ang sasabihin ng ama, kabisado na niya.

Nasa opisina siya na dapat nakalaan sa kaniya kung susundin niya lang ang kaniyang ama at ang mga tinalaga nitong magtuturo sa kaniya sa mga pasikot-sikot sa kanilang negosyo. Their family owns a mall, at ang kaniyang ama ang presidente, gusto nito na magtrabaho siya roon.Kaso kahit nagtapos siya nang Bussiness Management sa kagustuhan ng kaniyang ama, ay wala talaga ang puso niya sa pagne-negosyo. Ang kuya niya naman ay may sarili nang company tungkol sa mga gatas, cofeee at iba pang meroon kinalaman sa drinks.

"Hermione, sumagot ka pag kinakausap kita!" kahit na British ito ay magaling itong mag tagalog, dahil sa Pilipinas ito lumaki.

"Daddy, please, may lakad pa kami ni Mayett. Pwede bang mamaya niyo na lang ako pagalitan? Ma le-late ako eh." 

"Wala ka na lang bang aatupagin kundi gumala? Paano ang negosyo natin? Your already twenty-four pero tingnan mo, wala ka paring trabaho. Apat na taon na mula ng nag graduate ka!" lalong namula sa galit ang kaniyang ama.

"Dad, nan diyan ka naman eh, at saka me ginagawa din naman ako, ano bang tawag sa mga painting ko?" wala man siyang hilig sa negosyo, pero mahusay siya pag dating sa painting. Balak niyang gumawa ng sariling art gallery, ngunit wala siyang pagkukuhanan ng pondo. Hindi sang-ayon ang kaniyang ama kaya hindi siya makahingi dito. Sa kuya niya pwede pa kaso nahihiya na siya rito dahil ito at ang kaniyang mama ang laging bumibili ng mga gamit niya sa mga painting niya. At ang ipon niya naman ay hindi niya maaring galawin dahil inilalaan niya iyon pandagdag para sa gallery.

Pwede naman siyang kumuha ng part time job, kung yun ay papayagan siya ng daddy niya at ang mga body guard nila, lumaki sila na laging may kasunod nito. Hindi lang sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas mayron branch nang Montevedre Mall, kundi maging sa ibang bansa. Bukod pa sa paga-ari na hotels na ang Mommy naman niya ang namamahala. Ang Kuya Harrison naman niya ay may sariling chains of restaurants. Meron din nito sa mga mall ng daddy niya. May sariling company ito, a beverage company, pero mas binibigyan pansin ng mga ito ang coffee nagawa ng mga ito. Sa labing-limang palapag na gusali ng Montevedre Beverage, ang dalawa sa taas ay ang opisina ng kuya niya at  ang pang labing-lima ay ang pent house nito na ginagamit lang nito minsan. Bukod sa tatlong palapag na ito ay hotel na at sa second floor ay may restaurant at mayroon ding coffee shop, Ang Hermione Cafe na ipinangalan sa kaniya ng kuya niya pati na ang iba pa nitong coffee shops. Kaya nga ang Mall nila ang ipinamamahala sa kaniya dahil siya lang ang walang ginagawa sa kanila.

MsButterfly's BHOCAMP One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon