Then and Now ( Bea Roque and Xhide Montero )

31K 605 18
                                    

A/N: Pasensya na at natraffic ang BHO Boy mo, pero as promised tenenenen! Eto na siya. ang susunod nito ay last na taong gagawan ko ng one shot ^__^ Pasensya na po pipolets dahil talagang harass na ang utak ko sa pag-iisip ng plot. Anyways Bea this is for you ^_^

BEA'S POV

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa libro na binabasa ko. Nabobored ako kanina kaya napagpasiyahan ko na gawin ang pinaka hate kong gawin. Magbasa.


Wala namang masamang magbasa ng libro. Kaya lang hindi siya talaga para sakin though natapos ko naman ang course ko na BS Chemistry. Okay na sana ako sa trabaho ko non sa company namin kaso parang may hinahanap talaga ang katawan ko. Then nadiscover ako ni Sir Poseidon ng muntik na akong palutangin sa ilog pasig ng mga hayop na lalake na ninakawan ako.


Though bago yon nakita ni Sir Poseidon kung pano ko pinatumba yung dalawang lalaki. Black belter ako sa taekwando, judo at sa tai chi.


Hindi pa niya ako kaagad inalok non pero habang nagkukuwentuhan kami ng ginagamot ako sa hospital naikuwento ko sa kaniya yung about sa mga weird na theory ko sa mga experiment.


Then Voila! I'm part of the Experiment Department team though nakakasali din ako sa Field.


"Pssst!"


Nag-angat ako ng tingin. Si Yale, kasalukuyan siyang may hawak na slotted turner and as usual katulad ng mga panahong nakikita ko siya dito sa The Camp. Wala na naman siyang suot na pang-itaas.


"Nakita mo yung dalawa?"-yale


"Sino?"


"Hade at Quin."


Hmm...parang nakita ko nga sila kanina. Itinuro ko kay Yale yung direksyon kung saan ko sila nakita at tumatango-tango na tumingin don si Yale.


"Hindi pa naman siguro sila nagpapatayan. Anyways, thanks. Babalik na ako sa mga lulutuin ko dahil nagtatampo na sila sakin. You know..."


Ngumiti na lang ako.


Besides sa pagpapacute kay Eika mukang mahal na mahal ni Yale ang mga niluluto niya. Para siyang nanay na may alagang anak. Iba na talaga kapag passion ang pinag-uusapan.


Nawala sa mga iniisip ko ang atensyon ko ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Parang hangin na nilagpasan niya lang ako pero napangiti lang ako.


Sabi ng mga co-agents ko wala daw akong kahit isang patak na kasweetan sa katawan.  Pero alam ko sa sarili ko na hindi totoo yon...sadiyang namimili lang ng tao ang sweet bones sa katawan ko.


Hinarang ko yung lalaki na naglalakad na paalis.


"Hi Xhide!"


"Hi."


Nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya sinabayan ko na lang siya. Muka namang wala siyang pakialam na sinusundan ko siya kaya okay narin.


His name? Wag na baka i-search niyo pa siya sa facebook at akitin siya. Ayoko pa namang maagaw siya sakin ng kahit sino dahil tiyak na makikita ang taong yon na nakabitin patiwarik.


Yup...nagbabanta na po ako.


^______^



Fine...He's Xhide Montero. Six footer, tahimik, may color green na mga mata dahil naman niya sa foreigner niyang father, may six pack abs na nakita ko ng sinilip ko siya gamit ang bagong gadget na nagawa sa experiment department habang naliligo siya sa pool sa HQ, at gwapo, hunk. hot at oozing with sex appeal. At oo nga pala ang pronunciation ng pangalan niya is parang sayd. Xhide.


MsButterfly's BHOCAMP One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon