Bahala ka sa Buhay mo

3 1 0
                                    

Kakalikutin muli ang kukote para sa kakarampot na ideya. Bubuo ng detalye sa iilang bagay na magpapapakita. Gagawing makabuluhan ang ordinaryo. Sarsyado ang hapunan. Asado ang pananghalian. Panay hangin ang lamang tiyan. Deretso sa isipan, hangin pa din na madadatnan.
Lalabas sa kalsada. Dala lagi ang kargada. Pakurbang patalim na regalo ng di malapit na kaibigan. Pantarak sa kapwa mo may pusong nangangailangan ng kalinga.Paglingap.
Hirap.Saklap. Itaktak man dulo ng bote walang humuhulog na ketchup.
Lalabas sa eskinita. Itutugma sa mga salitang nagtatapos sa 'ta'. Liko-liko. Biko-biko. Di na karkulado ang mga tugma.
High five sa mga batang bugwit. Huling dal'wang piso limos na sa paslit. Mantsa sa damit at anghit, nananatili nang nakadikit sa katawan. Di alintana gayunpaman, ninanais pa din na madampian ang anit ng mga mamahaling sabon. Mga produktong gawa ni Belo at kung sino pa mang dalubhasa.
Suot ang paulit-ulit na t-shirt na regalo ng Nanay mo nung huli mo pang kaarawan. Kalakip di ba nito yung sangdaan na ambag daw sa paghahanap mo ng ekstra.Ekstra na nga lang raw kasi kailanman di ka makakakuha ng huhusto. Malayo sa kamay ang mga ginugusto.
Liliko sa mga dating daan. Dederetso sa mga dating tagpuan. Sisindi ng nalalabing yosi. Mamasdan ang paglubog ng araw kasama ng mga pangarap.
Susing di mahagilap. Pinilit kalikutin ng pinilipit na alambre.Kapos pa din na madekwat ang kandado. Panis ka pa din sa tatay mong kalbo.
Balik ka sa sulok ng kwarto. Pipikit habang nakahiga. Kukumbinsehin na wag paglaruan si Manoy. Ugoy ng duyan. Amoy ng kumot kasama ng mga pinakawalan mong tiyanak. Nakihalo na ang mga wasak-wasak na hinagap. Winarak na hiwaga. Winalanghiyang buwakanang kalaswaan. Mas kabisa mo pa ang katawan ni Mia kesa sa diskarte. Mas tutok kapa sa sunod na bidyo ng kupal na pinay kesa mga bagong trabaho nakapaskil sa diyaryo. Ugok. Bugok. Hirap ka palagi matumbok ang bunga.
Wala na. Nagpatianod na sa agos. Gusgusin kang bata ngayon. Walang makapitan liban sa pacifier na kagat mo sa bibig. Pinipilit na di sumabay. Pinipilit ang sariling pagkakakilanlan. Pinipilit iluklok sa trono ang identidad. Plakado ang bawat linya. Memoryado ang bawat banat. Pantalon unat na unat. Sumisigaw ka pero walang litid o ugat ang nababakat sa leeg.
Nagniniig na ang kasuklaman at kamalasan. Sabwatan ng sindikato.Tatambangan ka. Iiwanang di na kalahati ang buhay para wala nang silbi kahit ano pang wangwang ng ambulansiya.
Umaasa kang may isang jackpot pagkatapos ng lahat ng pang-gagago ng tadhana. Saka ka susulat sa MMK para mafeature ang istorya mo. Makakapamili kapa ng artistang gaganap. Dapat gwapo kahit ampangit mo. Dapat mestiso kahit ulingan ka.
Kaso wala. Hindi isinasakatuparan ng mga santo mo.
Mahilig ka sa one shot. Isahang bira kumbaga. Atomic bomb sa Nagasaki at Hiroshima. Creampie kay Ozawa.
Bawi nga naman lahat ng paghihikahos kung sa umaga sasambulat na lang ang milyones sa paanan ng kama mo. Kung isang araw malaya kanang makakapamili kung anong silog ang agahan mo. Kung aling college student ang papag-aralin mo.
Eh kaso butata.
Pudpod na ang kuko wala pa ding makahig. Tubig na ang nakakayod wala pa din ang diyamante.
Tsaka ka ngayon mahihimasmasan. Parang holy water na ikinurus mo sa noo. Tuloy napaso ka.
Iba pala laro sa labas. Di pwedeng kakak lang. Lalong di pwedeng petix lang. Puhunan ang kukote. Puhunan ang di matatawaran na kaalaman. Pati kamatayan ni Ernie Baron dapat alam mo. Pati relasyon niya kay Geisler.
Walang ibang totoong magmamahal sa sarili liban sa sarili.
Kaso, napakalabo nga palang iconvert ang isang tao sa isang pasada lang.
Pakikipagkapwa tao. Ang mabuhay sa iba hanggang sa malimutaan na ang sarili. Pagiging maka-Diyos. Mapagmahal sa bayan. Ang mamuhay ng mapayapa at di ginagambala ang Zen ng pangkalahatang nilalang.
Matanda na ako nung mapansin kong lahat ng tao may topak. Lahat may angking sumpong. Di mo masisi kasi nga badtrip pala talaga mamuhay sa labas. Hassle lahat ng nilalang. Lagi at laging may matinong tao na igugusgos yang mukha mo sa pader hanggang magkalyo na sa paulit ulit na pagkakasugat. Tsaka pati ikaw, magiging makapal na din yang mukha mo.
May mga mabibilang din naman sa kamay na pagkakataon na nagpakatino ako. Plantsado ang buhok parang si Jose Rizal. Piping binging saksi lang sa pangkalahatang kaganapan ng daigdig. Po at opo lang ang laging sagot sa mga nakakatanda.
Eh kaso ayun binalahura.
May trust issues si Kuya.
Bipolar si Kuya.
Hugot lang Kuya?
Ubos na ang gasolina. Bahala ka ulit sa buhay mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ambabuy Mo!Where stories live. Discover now