Gagong Superhero

5 1 0
                                    

Paano nga ba papanatilihing interesado ang mambabasa sa mga isinusulat mo? Mahirap na katanungan. Madalas yan yung pumipipigil para makapagsulat ang isang manunulat. Kapos sa ideya. Kulang sa imahinasyon. Hindi umaabot sa panulat ang mga eksaktong salita. Kalimitan, gustong may mailagay sa papel pero walang mahulmang diskurso.
Pwede naman siguro ang malayang pagpapahayag lang ng kung anong pumapasok sa kukote mo. Tapos bawi kana lang sa sunod kapag medyo di mo gusto yung gawa mo ngayon.
Sa dinami dami ng mga akda na nakikita mo, halos wala nang natitira para mapag-usapan niyo ng mambabasa mo. Kapag naman itinigil mo sa kalagitnaan para mas palalimin pa ang gusto mong sabihin, baka lunurin ka sa kawalan. Ayun, yung katha mo kung saang lupalop na naman maiimbak.
Siguro maigi rin yung warm up. Parang kapag tatakbo ka ng pangmalayuan. Ayusin mo muna kondisyon ng katawan mo. Parehong paraan sa pagsusulat. Maganda kung painitin mo muna yung ulo mo. Damhin mo yung iba ibang emosyon. Manood ka ng porn pero huwag ka magmasturbate. Magkumpisal ka o uminom ng kape. Tumae. Basta i-activate lang ang senses. Tsaka makakatulong kung patayin mo muna data mo. Dami abala sa online. Andaming kumukuha sa atensyon mo. Yung ex mong malako na yung dede. Yung mga chicks sa front row. Yung inooffer na pautang ng Cash lending. Mga nasa suggested friends na may mga itsura pero fake account. Dami pang iba.
Malinaw ka ding makakapag-isip kung meron sanang katahimikan. Papasukin mo lang lahat ng detalye. Himayin mo yung mga salita. Hanapin ang mga pinakapuro.
Kapag umiibig ang isang tao, madalas na madami siyang maisulat. Yung mga di naman manunula nagiging makata. Nagiging matamis lahat ng binibitawang linya. Parang laging nanunuyo.
Kaya nga sana yung manunulat araw-araw na lang na umibig. Kahit pa mabigo ka, libo pa ding hugot yung mabubuo mo.
May nakapagsabi sa'kin na mababaw na motibasyon ang inspirasyon. Mas mangingibabaw ang disiplina. Higit na mas mahalaga yung kagustuhan mong may makatha.
Tama naman. Oo, tama nga.
Sa katagalan ng panahon na nag-antay ka para makabuo ng bagong obra, ubos na yung araw sa kalendaryo blanko pa din yung papel mo.
Sa kalagayan ko. Basta umuupo lang ako. Magsusulat.
May mga sandaling dadak ako ng dadak. Parang napakadulas lang ng lagusan sa utak ko para sa mga ideya. May mga beses naman na kahit alugin kong parang bulalo ang kukote ko, wala talagang mahihita.
Subukan mo lang. Umupo. Magsulat. Tipunin ang iilang piraso ng inspirasyon. Pagyabungin. Napakadaling sabihin alam ko.
Nagkakaiba-iba naman siguro ng estratehiya sa pagsusulat.
Depende sa kung nasaan kang lugar. Depende sa kasalukuyan mong kalagayan. Depende kung may pera ka o wala. Oo, napakalaking bagay niyan. Napakaraming beses na mas kinakailangan mong magbanat ng buto para may makain kaysa hawakan mo lang yung ballpen mo tsaka ka magdadadada.
Dedikasyon. Kahit ano pa yan, kahit sino pang mailuklok na pangulo, kahit magkandaloko-loko na si Trump at Putin, kahit ma-hack pa fb mo, kahit madedp yung paborito mong porn star, patuloy kang magsulat.
Paulit-ulit pa nating matutunghayan ang gawa ng iba na may pagkakapareho sa ideya natin. Oks lang yan.
Iba pa din kapag galing sa bibig mo. Iba pa din naman yung estilo mo.
Basta magsulat ka lang. Tama na pag scroll up and down sa phone mo. Tama na pag-stalk sa chicks mong kaklase.
Dahil binigyan ka ng kakayahang mailahad sa panulat ang mga aral at katotohanan, may layunin kang dapat gampanan Victor Magtanggol.
Paalam! 

Ambabuy Mo!Where stories live. Discover now