Ang Artikulong Tinanggihan ng mga May-alam

5 1 0
                                    

Ewan kung lehitimo bang pananaw ang maibibigay ko tungkol dito.
Isang napakalaking epidemya na ang nagkalat. Malamang sa malamang nakasali kana sa mga nahawaan. Wala ka kamong sakit? Baka ang mismong paninindigan na 'di ka kabilang sa infested eh unang simtomas na ng sakit. Anti-gobyerno ka kasi anarkista ka, pamilyarisasyon ng mga teknikal na termino sa subject, soundtrip na pang rebelde, paborito mong kulay pula. Gago, oo na, anarkista ka. Metalheads ka kasi all black, long hair, lakas maka-growl, alam mo kung sa'n mga eksena, kilala mo si ganito, si ganyan, may tattoo kapa ng demonyo sa balikat. Rock on! Magsaing ka muna pre. O baka naman ikaw 'tong intelektwal na nasa akademya. Numero unong kritiko ng mga bagitong manunulat. Basta pananaw mo, parang banal na eukaristiyang isusubo ng mga taga-sunod mo. Sige, penge naman ng review sa artikulo ko Mr. PhD. Sa'n na nga ba lulugar sa lipunan kung bawat galaw eh may puna?
Wala na din akong ideya pre. Parang nawalan na ng pagkakakilanlan ang henerasyon na 'to. Wala nang kaluluwa. Hubaran mo ng mga nakasabit na titulo, ialis mo sa kinabibilangang organisasyon, reset mo playlist niya, huwag mo na din ipakabisa yung philosophical quotes na pambara niya sa mga argumento, may matitira pa bang identity sa tao? Salamat at napaisip ka. Gera raw yung kelangan para marewire yung utak natin. Palibhasa di first hand na nararanasan yung pagkawasak, akala di parte ng mundo. Yung mga makabagong bayani na itinuring natin, di nga alam na bayani sila. At parang napakagaang label nalang ang pagiging isa. Naknampu. Dakila kana sa mga bagay na nagagawa ng normal na tao. Huwaran kana kung gumawa ka ng tama. Ulol, default dapat yun sayo. Kelan ba tayo huling nakipagtitigan sa kamatayan para sa buhay ng kapwa natin tao? Tagal na. Yung huling nakilala ko pinapatay pa't hinatulan ng treason. RIP Boni.
Kaso andito na 'to eh. Mas masarap nang buhatin yung weights sa gym kesa sa labada mo sa bahay. Mas masarap pakinggan yung punkistang tugtugan kesa isabuhay. Mas masarap makigulo sa eksena kesa sa derektang pamimigay ng tulong sa mga hikahos. Mas masarap pumuna sa trip ng iba kesa umpisahan ang pagbabago sa sarili. Aray. Kaya tara, kahit di ako pamilyar kay Tiyo Ramones, o kahit di pa ko nakakapaputok ng Sex Pistols, o atheist ako kaya Bad Religion, bakla kaya Misfits, di mababayaran sa sinulat ko (The Exploited), subukan pa din nating baguhin 'tong baboy na mundo.

Ambabuy Mo!Where stories live. Discover now