Chapter 6: Summoned by the Beast

22 0 0
                                    

Chapter 6: Summoned by the Beast
by: Clovergiel

"Miss Belle Aurora Tyfanny Chavez, meet me at my office. RIGHT NOW. We have a lot of talking to do."

I froze in my seat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa nagmamay-ari ng boses na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nakatayo lang naman sa pintuan ng classroom namin si kamatayan-este-si Bryce the Beast para... sunduin ako?

Nasa earth pa ba ako? Masama ba akong tao para mapunta sa impyerno? Bakit ako nakakakita ng demonyo? Cross breed of a demon and a beast. Tch.

Pero. . . WAAAAAAAAHHH! Andito na siya! Ganun kabilis niyang nalaman na ako 'yun? Sabi kakagawa lang ni Beast ng twitter. At wala pang isang oras 'yun!

Kung mamamatay man ako ngayon, sana si Loke Cross ang kumuha ng kaluluwa ko. Or kung hindi man siya, kahit sinong Soul Angel basta wafu!

Pero sana naman, di pa ako mamatay. Mahal ko ang buhay ko 'no! At hindi ko pa nababasa ang lahat ng fairy tale sa mundo.

Nararamdaman ko ang talim ng titig niya sa 'kin. Natatakot ako. Di ako makagalaw. "Tch. What are you being dazed for? I hate waiting. You don't want to make me mad, do you, Miss Chavez?" sabi ni Beast.

Huhuhu! Nakakatakot talaga siya. At naka-straight English na siya. And that only means one thing. Katapusan ko na ngayon! Isa kasi sa mga bagay na sikat kay Prince ay ang kanyang--

"Killer English na gamit ni Prince, bessy," takot na bulong sakin ni Sab. Ramdam ko na rin ang takot sa buong paligid galing sa aking mga kaklase.

"D-Di m-mo na k-kailangang ipaalala bessy S-Sab. . ." maiiyak kong sabi kay Sab.

May pa-don't make me mad don't make me mad pa siyang nalalaman d'yan. E kapag naka 'Killer English' mode na siya, alam na ng lahat na galit na siya! Madalas niya 'yan gamitin sa debates niya, kaya naman palagi siyang sinasali ng school dahil doon. May bad temper kasi at madaling magalit kaya naman unang argument pa lang, dugo ilong agad ang mga kalaban niya.

At ako, baka hindi lang ilong ang dumugo sa akin.

May Death Kiss na, may Killer English pa. Ewan ko na lang kung meron pa ring hindi naniniwalang halimaw talaga 'to. Nakooo! Kung pwede lang sana pumatol, kaso takot ko lang 'no!

Pupunta na sana ako sa kanya, mabawasan man lang 'yung galit niya, kaso. . .parang hindi ko ata maigalaw 'yung paa ko? Ano 'to? Hoy paa, makisama ka naman, oh. May 1% chance pa nga akong mabuhay, gagawin mo namang zero! Please, please, please, lumakad ka na!

Kaso ayaw talaga. Kung merong tinatawag na locked jaw, locked thigh ata itong nangyayari sa'kin. Huhu Feet, don't do this to me!

Kumunot ang noo ni Prince Beast. "Is there any problem, Miss Chavez?" tanong ni Beast habang unti-unti siyang naglalakad papunta sa akin.

Patay patay patay! What should I do? Ayaw pa ding lumakad ng mga paa ko. Hinampas-hampas ko na siya, pero wala pa rin! Wala akong pakialam kung pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko dahil mukha akong baliw. Ang importante, hindi na madagdagan 'yung galit ng halimaw. Baka maging King Kong pa 'yan!

Pero, ayaw pa rin talaga akong pagbigyan ng tadhana. Nasa harap ko na ngayon si Bryce. At hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Huhuhu sabi ko na eh, dapat 'di na ako pumasok ngayon. Oh kaya ay nag-disguise na lang ako. Feeling ko mas magandang ideya nga 'yun. Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi. Belle naman kasi eh! Nagtatapang-tapangan ka pa, yan tuloy ang napapala mo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beast's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon