Chapter 2: Start of Nightmare

314 106 40
                                    

Chapter 2: Start of Nightmare

by: Clovergiel

"Miss Chavez. . . "

Huh? Sino 'yung tumatawag sakin? Lumingon ako. Wala namang tao.

"Miss Chavez. . . "

Lumingin ulit ako pero wala talaga. Sino ba kasi ang hampaslupang tumatawag sa'kin? Asar lang! Tatawag-tawag sa pangalan mo, di naman magpapakita. 'Yung totoo? Trip lang sabihin?

"Miss Chavez. . . "

Bad trip na ah! Sino ba kasi 'yun! Tumalikod ako at. . .

"So, halimaw na pala ako?"

AYY HALIMAW NGA! Bakit andito 'tong Bryce the beast na 'to?

"Miss Chavez, ikinalulungkot kong sabihin pero hindi ka na pwedeng pumasok sa school na 'to dahil tinawag mo akong halimaw," seryoso niyang sabi.

"Ano? Di naman ata makatarungan 'yon! Nag sorry naman ako ah--"

"At hindi ka na rin pwedeng magbasa ng fairy tales. Pinapatapon ko na lahat ng collection mo ng fairytale books at pina-ban na rin kita sa lahat ng bookstores na nagbebenta ng kahit anumang may kaugnayan sa fairytale."

"No way! Hindi ako mabubuhay ng wala ang fairytale sa buhay ko no! Ang sama sama mo talaga! Beast ka talaga! Mas mabuti pang patayin mo na lang ako kesa alisin yun sa life ko no! Pero, hindi pala, mahalaga ang buhay dahil bigay ito ni God at--"

"At last day mo na ngayon. Nagpa-schedule na ko para sa death penalty mo bukas. Any last words?"

Huwaaat??? Anong kalokohan to Bryce Eryx Astoff? Kailan ka pa nagdesisyon para sa buhay ko ha? Hindi pwede to! Halimaw ka talaga! Halimaw! Beast! Halimaw!!

"Halimaw ka talaga Bryce Eryx!!!" Napabangon ako bigla.

Huh? Panaginip lang pala yun. Buti na lang.

"Whew! Akala ko mamatay na talaga ako bukas. Panagin--"

"Talagang mamatay ka nang tuluyan kung may ibang nakarinig sayo!" Tiningnan ko 'yung nagsalita. Ay si Bessy Sab lang pala.

"Ikaw lang pala. Asan ba ako?" tiningnan ko yung paligid ko. Parang wala naman ako sa kwarto ko.

"Nasa clinic ka, gaga! Di mo ba naaalala na hinimatay ka kanina?"

Oo nga pala! Hinimatay ako dahil sa beast na 'yun.

"Teka nga, ano ba 'yung napanaginipan mo at sinigaw mo pa na halimaw si Prince?" curious na sabi ni Sab.

The Beast's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon