Chapter 5: The Fans' Club

177 43 23
                                    

Chapter 5: The Fans' Club

by: Clovergiel

Haaaayy. . .

Sisimulan ko ang umaga ko sa isang buntong hininga.

Paano ba naman kasi, kakaumpisa pa lang ng araw na 'to, ang dami nang kababalaghan na nangyari sa akin. Di ka ba naman mapabuntong-hininga non?

Una, 'yung mysterious phone call na 'di ko malaman kung anong lenggwahe meron siya. Di kaya. . . baka isa siyang alien at kalahi niya si Do Min Joon na nanggaling pa sa planetang KMT 184.05?

Anyway, nandun din 'yung baklang ingliserang jejemon na matandang babae na nakasalubong ko kanina. Grabety, gulat na gulat talaga ako sa way nung pagsasalita niya.

Di na nga ako nakapag-focus doon sa sinabi niya. Ano nga ulit 'yon? Curse daw? Ansaveeeh? Ano siya, mangkukulam?

Anyway ulit, nandito na ako sa classroom namin. At kahit malayo pa 'yung dinaanan ko pagpasok, mukhang napaaga pa rin ang dating ko. Tatlo pa lang kaming nasa loob ng classroom. Puro mga nakasubsob sa libro ang mga mukha nilang four-eyed. Mga GC eh. Alam na this.

Wala pa rin si Sabrina. Psh. Kahit kailan talaga laging ontime 'yung babaeng 'yon. Hahaha Di pwedeng malate, di rin pwedeng sobrang aga. Pwede ba bessy kahit ngayon lang agahan mo naman 'yung pasok?

Haaay. . . pero mukha namang hindi mangyayari 'yon. Kaya minabuti ko na lang na lumabas muna ng room. Sinilip ko 'yung labas kung may mga tao na.

Good, wala pang gaanong estudyante sa campus. Meaning, safe naman siguro akong lumabas. For sure, napakarami nang nakakaalam ng tungkol doon sa tweet na 'yon. Baka dumugin pa ako.

Nire-ready ko na nga 'yung sarili ko ngayon. Hindi lang para sa mga fans (fans? baka haters at chismakers kamo!), kundi para na rin sa galit ni Beast. Baka maging kingkong pa 'yun!

Nagtatakip ako ng mukha, o kaya naman ay yumuyuko ako kapag may dadaan na estudyante. And so far, wala pa namang gaanong nakapansin sa akin. Take note: GAANO.

Meron kasing biglang humila sa akin at dinala ako dun sa isang madilim na sulok na walang masyadong dumadaan. Tiningnan ko sila. Tatlong babae na mukhang 3rd year din katulad ko. Mukha naman silang harmless. Baka chismakers lang talaga.

"Ikaw ba 'yung Tyfanny Chavez '@PrinsesangBelle' sa twitter?" tanong sa akin nung isa.

Medyo expected ko na 'yung tanong niya. Pero nagulat pa rin ako. Ang prangka niya kasi magtanong. Deretsahan. Pang Tonight With Boy Abunda.

Napatango na lang ako. In slow motion.

'Yung isa naman na mukhang childish, hinawakan ako sa kamay. "Kung ganun po, si Prince po ba 'yung tinutukoy niyo? Y-yung..." sabi niya sabay lapit sa tenga ko para bumulong, "...halimaw?"

"Katie!" Pabulong na sita niya dun sa childish girl. "Baka may makarinig na iba dun sa sinabi mong 'H' word. Mamaya niyan may mga espiya palang nakatago dito si Prince. Sige ka. Lagot ka!"

"Waaaah! Waaaaah! Sorry po mga espiya! Waaaah!" sabi niya na yumuko-yuko pa na para bang may spies talaga sa paligid. Weird. Pero she's so kawaaaii! (cute)

"So siya nga ba si 'H'?" tanong ulit nila.

Waaah! Di ko alam kung matatakot ba 'ko sa kanila o ano. Unpredictable kasi sila eh. Di ko mahulaan 'yung susunod nilang gagawin. Kung ano ang magiging reaksyon nila sa isasagot ko. Ipapa-salvage ba nila ako? Or ipapa-chop-chop? Or baka naman igagarote? Tch. I know, ang brutal masyado ng mga naiisip ko.

The Beast's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon