Chapter 11

8.6K 160 106
                                    


a/n: Alam ko marami sainyong nagtataka kung asan si Mareng Jema. Antayin po ang mga susunod na kabanata. Hahahaha. Walang sawa po akong magpapasalamat sa patuloy na pagbabasa netong storya ko. Maraming salamat po

Deanna’s POV

6am, Maaga akong nagising dahil gusto kong maraming magawa. Maraming mapuntahan para hanapin si Jema ang nag iisa kong Queen Falcon. Kayang kong puntahan lahat ng kakilala niya Makita ko lang siya.

Syempre para masimulan na ang oplan hanap sa bb ko. Hahahaha corny diba. Wala e mahal ko siya. Kaya kahit anong kacornyhan nasasabi ko. Tetext ko na si Luigi. Dahil ang napag usapan naming siya ang magdadala ng sasakyan. 

To: Luigi 

Hey Gi! Good Morning. Sundoin mo na ako ditto sa Dorm ayos na lahat. Ingat sa pagmamaneho.

Hindi naman mahilig malate to si Luigi e. lalo na pag lakad naming dalawa. Asan na kaya yun…. 

*buzz*

From: Luigi.

Deans sorry medyo late ako. Pero malapit na ako. Anong oras na din kasi akong nakatulog kagabi e.

Huh?? Ang weird naman nun. Mga 9 kami nakauwi kahapon e. tapos ang alam ko parehas kaming maaga natulog. Pero ano yung sinasabi niyang napuyat siya. Napapaisip tuloy ako. Pero feel ko late lang talaga siya ng gising sinabi na lang niya yun para may dahilan. 

Hanggang sa dumating na nga siya.

“Jump in bes.” Sobrang weird talaga kasi yung ngiti niya parang magbabakasyon kami ganun. Yung parang excited siya.

“Huy. Anong meron?? Bat sobrang saya mo naman?” sobrang nagtataka na kasi talaga ako.

“Wala naman. Tara sa Dorm muna nila tayo?” sabay aya niya.

Hindi ko tinuro kay Luigi yung daan papuntang Dorm ng Lady Falcons pero kabisado niya. Kahit tanong na kaliwa o kanan di niya ako tinanong. Hanggang sa makarating na kami sa Dorm ng Faldy Falcons. Sobrang iba yug tingin ko sakaniya kasi ang gulo lang. 

Luigi’s POV

Medyo mahaba haba yung biniyahe namin ni Deanna. Napansin ko sakanya habang nasa loob ng sasakyan parang nag tataka siya. Nagpahalata kasi ako e. para magets niyo.

(flashback)

Nakauwi na ako. Nakapag usap kami ni Deanna na sasamahan ko siya sa lugar na may posibilidad na nandun si Jema or yung madalas niyang puntahan. Ayoko naman na mas gabihin kami sa daan at ayokong mapagod masyado ang best friend ko kaya ako nagsaliksik ako sa mga kakilala ni jema. At inalam ko din papunta sa mga lugar na madalas kung asan siya. 

Kaya ko nalaman yun dahil na rin sa tulong ni ate Mylene Paat. Nakakahiya man pero nag lakas loob akong mag tanong tanong about kay Jema. 

Nakausap ko si ate Mylene sa IG nag Direct Message ako sakanya. Kahit na sobrang hiya basta lang sa best friend ko hahamakin ko ang lahat. 

*Direct Message*

Me: Good Evening po ate Mylene. This is Luigi. Friend po ako ni Deanna. Sorry po kung makakaistorbo/­nakakaistorbo ako. Magtatanong lang po sana ako about kay Jema.

Ayun yung sinabi ko sakanya. Hanggang sa nag kausap kami sinagot niya lahat ng tanong ko about kay Jema. Ultimo maliliit na detalye sinabi niya. Kaya ang dami kong alam na pwede naming puntahan ni Deanna.

(end of the Flashback)

Sa mga lugar na sinabi ni ate Mylene inisip ko na sa Dorm muna nila kami unang pumunta. Malay niyo naman diba. 

All Heart For Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن