Chapter 5

4.6K 106 4
                                    

a/n : hope you like this part. Again thankyou sa pagbasa. :) I appreciate a lot. Hindi man ito yung perfect na story. Masaya ako dahil kahit papano may gusto pa rin mag basa. Thankyou. Comment na rin po kayo for suggestions.  :)

Deanna's POV

"Good morning Deanna Wong. Bumangon ka na please. Ayaw ni coach thai ang late kaya please"  narining ko na naman ang maingay niyang boses.

"Eto na." Umunat lang ako ng konti pero pumikit pa din.

"Ms.Deanna Wong papa alam ko lang sayo nag text si Ate Ly kay Ate Mads na bawal daw malate siya daw mismo ang magbibigay ng parusa." Hindi ko pa rin siya inimik.

Nilampit niya ang bibig niya sa tenga ko "gusto mo plus 30 push ups"

At dahil alam kong mas kukulitin niya pa ako, bumangon na ako.

"Ok you win."  Then I rolled my eyes on her

"Aba.. nag tataray. Bahala ka. Mauuna na ako. Ayokong malate sa tune up." At ayun nagalit siya. Pinag bagsakan ako ng pinto eh.

Pero wait...

Oo nga pala ngayon yun. Oh My God.. kilos Deanna kilos.

Jema's POV

*buzz*

From: Ate Jia

Good morning Jems. Malapit na ako sa dorm niyo. Nakaayos ka na ba?

Buti na lanh ayos na ang lahat. Sakto lang.

To: Ate Jia

Yeah ate im ready. Ingat ka sa pag punta.

At hanggang sa nakarating na siya at nakasakay na ako sa kotse niya.

"Ate Jia. Tulog lang muna ako ha. Kulang ako sa tulog at medyo pagod pa ako."

"Sure. Gisingin na lang kita pag andun na tayo."

Makalipas ang ilang oras

"Jemssss. Gising na...."

At dahil sobrang lalim ng tulog ko.

"Ay nandito na pala tayo" sabay kamot sa ulo at kuha ng bag.

Habang nag lalakad kami

*calling*

Oh. Bat kaya to tumatawag.

"Hmmm ate jia. Una ka na huh. Sasagutin ko lang to."

"Ok bilisan mo lang"

"Hello"

"Hello Jema?"

"Oo. Teka bat ka napatawag." Dudang duda ako.

"Hmmm. Sabihin ko lang sana na mag ingat ka."

"Para ka namang timang Fhen mag training lang kami. Bat kaylangan mag ingat."

"Ah. Wala wala. Sige sige. Bye...."

Binaba ko na ayaw ko namang humaba pa ang usapan. Tutal nag paalam na siya.

Ang dami ko pala masyadong na dala. Ramdam ko yung bigat ng bag ko. Papasok pa lang ako ng gym ng bigla kong nabitawan ang bag ko sa sobrang bigat.

"Ohhh. Miss let me help you." Habang inaangat niya yung bag ko. Hindi ko maiwasang di tumitig. "Ang bigat pala neto kaya mo nahuu..." di na niya natapos salita niya at "Jema Galanza ikaw pala." Sabay kamot siya sa ulo niya.

"Jema na lang masyado namang pormal pag kasama pa surname ko."

At ginawa na naman niya yung titig niya.  Omg Deanna Wong please. Wagggg

All Heart For LoveWhere stories live. Discover now