Chapter 10

4.4K 89 6
                                    

a/n: Sorrt po kung ngayon na lang ulit na kapag update. Nag ayos pa po kasi ako para sa debut ko nung isang araw. At naghahanap din po ako ng update sa Momoland. Hahaha. Sa mga Merries na nagbabasa diyan Pm niyo naman po ako kung may update kayo. So ayun. Eto na yung part 10. Keep on Voting and leave some comment para alam ko kung gusto niyo or hindi. :)





Ponggay's POV

Matagal tagal na din yung huling kita nila Deanna at Jema. At halos wala din kaming balita kay Jema. Pero si Deanna….

Hatala sakanya ang labis napag kalungkot at pag aalala. Kahit hindi niya aminin ramdam ko.

Kagaya ng pinangako ko kay Jema. Iaupdate ko siya. Pero simula nung araw na huli din kaming nagkita wala siyang reply sakin.

At nabalitaan ko pa na hindi rin daw siya naglalaro sa Creamline. Kahit mga coach at teammate niya nagtataka. Pinaalam lang siya ng papa niya na magbabakasyon pero parang antagal naman masyado.

Halos dalawang buwan din yun ah. Dalawang buwan na ding nagmumukmok si Deanna. Kawawa naman yung Roomie ko. Kahit sila ate Maddie walang magawa pag humihindi si Deanna pag kakain sa labas. Hindi ko na din alam kung papano siya kukulitin dahil baka mas mabadtrip lang siya. Ayokong maFacial. Hahaha.

Pero kamusta na kaya si Jema….

Fhen’s POV

Alam ko napakalaki ng kasalanan ko. May mali ako. At alam ko din na hindi ko dapat ginawa yun. Pero mahal ko siya. Kaso eto…… yung pagmamahal ko dinala siya sa mas mahirap at komplikadong sitwasyon. Kamusta na kaya siya. 

Sobrang miss ko na siya. Gusto ko siyang kamustahin o Makita man lang. pag nalaman ko na ok lang siya, ok na sakin yun. Promise di ako manggugulo. 

Susuportahan ko na siya sa gusto niya. Di na ako haharang sakanila ni Deanna. Malaman ko lang talaga na ok siya. 

Pero bago ko alamin kung ok siya. May masa dapat akong bisitahin.

May dapat akong hingan ng patawad.

Deanna’s POV

*knock knock*

Siguro may naiwan na naman tong si ponggay. Aalis alis tapos may naiiwan e. 

“Lagi kasing nag mamada………” pagbukas ko ng pinto. Di ko inasahan yung pag punta niya. At wala akong naiisip bat kaylangan niyang pumunta. Kaya kahit inis ako sakanya hinarap ko siya. “Oh! Ikaw pala. Kala ko kasi si Ponggay. Pasensya na.”

“Hmmm Deanna. May gusto lang sana akong sabihin.” Sabay kamot siya sa ulo.

“Ano yun Fhen? Mukhang seryoso ka. Tara pumasok ka muna.”

Pinaupo ko siya. Pinatuloy ko siya dahil gusto kong marinig yung sasabihin niya. Gusto kong malaman kung bakit siya pumunta. At gusto ko din malaman kung may alam ba siya kung asan si jema. Sobrang miss ko na si Jema…..

“hmmmm Deanna. A;am ko may galit ka pa sakin. Alam ko malaki kasalanan ko sayo. At alam ko din na dahil sakin magkalayo kayo ngayon.” Napabuntong hiningasiya at.” Yung araw na nag away kayo. Yung huling araw na nakita mo siya aaminin ko. May kasalanan ako. May mali ako. Pero hayaan mo akong magpaliwanag.” Napayuko siya. “at hayaan mo akong magsalita ng makuwento ko lahat. At pangako. Lahat ng sasabihin ko totoo.”

Hinahayaan ko lang siyang magsalita hanggang sa kinuwento na niya yung totoong nang yari.

“ bago pa lang kami pumunta sa Bacolod naghanap na agad ako ng katuwang para makuha yung atensyon ni jema. Kasi…. Siguro sa sobrang kasabikan ko o sa pag iilusyon ko na magiging okay pa kami. Alam mo na. syempre di naman lahat ng naghihiwalay walang nasasaktan at hindi pwedeng walang umaasa na may pag asa pa. kaya nung araw na yun. Talagang nakita ko kay Jema kung gano ka niya ka mahal. Nakita ko na. mas gusto ka niya. At nalaman ko na Mahal ka na talaga niya.” Habang nag sasalita siya di niya naiwasang hindi umiyak. “ tanga ko kasi e. pinakawalan ko pa yung kagaya niya. Tapos ngayong masaya na siya ginugulo ko siya. Pilit kong sinisiksik yung sarili ko sakanya.” Napayuko na lang siya at. “Sana mapatawad mo ako Deanna. Dahil sakin nagkaaway kayo ni Jema dahil sakin mas lumalala pa yung hirap na dinadanas niya. Dahil sakin baka mas lumala pa. Sorry talaga Deanna. Ngayon binibigay ko na sayo ng buo si jema. Oo wala akong karapatan na ibigay siya sayo kasi di naman na siya sakin e. pero buong puso ko ng tinatanggap yung sainyo. Parehas naman kayong magiging masaya e. iingatan mo lang siya huh. Alam mo naman na yung sakanya e.” ngumiti siya habang nakipag kamay. Pero nakikita niya sa mukha ko yung pagtataka. Yung labis na pagtataka. 

All Heart For LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora