CHAPTER NINE

17 1 0
                                    

A/N: Comment what you feel about this chapter below. ENJOY READING! :)

        Pagdating ng lunch break nila Jini ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone saktong kakalabas lang niya sa building nila. Maghahanap siya ng magandang kainan. Pero nag-alangan siyang sagutin ito dahil number lang ang nakalagay.

“sino kaya itong caller na ito….kabago bago ng number kalat na ata.” Sa isip ni Jini.

Nagpasya siyang sagutin ito. “hello? Who’s this?” tanong niya sa tumawag.

“hai sweetie. Don’t forget our date later.” Sabi ng nasa kabilang linya. Natulala siya….boses kasi ni Ken ang nasa kabilang linya.

“parang hindi ko naman binigay yung number ko sa kanya kanina a. paano niya kaya nalaman ang number ko?” ttanong niya sa isip.

“Where did you get my number?”  tanong niya kay Ken.

“I asked tita Aliza. Ayaw mo kasing ibigay sakin kanina e.” sagot ni Ken.

“oo nga pala. Nakalimutan kong super close sila ni mommy.” bulong niya and she rolled her eyes.

“I saw that. You rolled your eyes.” Sabi nito sa kabilang linya at halata sa boses nito ang pagkaaliw.

muntik ng mabitawan ni Jini ang CP na hawak niya. “paano mo nalaman?” tanong ni Jini kay Ken at tumingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya kung nasaan ito. Sigurado siyang nasa paligid lang ito.

Linapitan siya ng guard ba nakakita sa kanya kaninang inihatid siya ni Ken. Namula ang mukha niya  dahil naaalala niya ang paghalik ni Ken sa pisngi niya na nakita din nito.

“ma’am dumaan po yung asawa niyo kanina dito. Sinabihan po akong papuntahin kayo dun.” Sabi ng guard at tinuro ang isang kainan na katapat lang ng building nila.

Napatingin siya sa tinuturo nito. at nakita nga niya si Ken na kumakaway mula sa second floor ng  kainan sa tapat nila. At ngiting-ngiti ang bumbay.

“Akala ko ba mamaya pa kami magkikita?” tanong ni Jini sa isip.

“hai sweetie.” Sabi nito sa cellphone na kumindat pa. “pakisabi kay manong thank you.” Sabi pa nito.

Dahil sa inis ay pinatayan ito ni Jini ng cellphone si Ken. At nagpasalamat sa guard. Linoko pa siya ng guard.

“ang sweet po talaga ng asawa niyo mam.” Sabi ng guard.

Nagmamadaling pumunta si Jini kung nasaan si Ken. Naiinis siya dahil daig pa ni Ken ang body guard kung makabantay.

“bakit kaya nandito nanaman itong bumbay na ito.” Naasar na sabi niya sa isip.

Pagkakita ni Ken kay Jini ay tumayo ito para salubungin si Jini at hahalikan sana ulit ito sa pisngi pero itunulak nito ang mukha ni Ken.

HATE me now and LOVE me foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon