CHAPTER EIGHT

16 1 0
                                    

A/N: kung hindi ko sana kinalimutan i-charge itong laptop ko kagabi. Edi andami ko na sanang nasulat kaninang walang kuryente dahil sa bagyo. Aish! Anyway, kumusta kayo pagkatapos ng bagyo? Enjoy reading! Gracias!

 

Namamadaling bumaba ng hagdan si Jini. Malalate na siya sa pagpasok sa kanyang trabaho. Kahit pa isa siya sa mga head ng isang department ay ayaw niya ng nalalate. Lalo na at ito ang unang araw niya sa kanilang Manila Branch. Nasa sala na siya ng makasalubong niya si Ken.

“Where are you going?”  kunot noong tanong nito.

“papasok na? hindi ba halata?” naaasar na tanong niya dito ng na pinanlakihan pa ito na mata dahil humarang ito sa dadaanan niya.

“Oh…. But you need to eat your breakfast first.” Sabi ni Ken.

“I don’t have time to eat. Mala-late na ako bumbay. Lumayas ka sa dadaanan ko!” sigaw ni Jini dito dahil ayaw umalis sa dadaanan nito.

“hindi nga pwede panget. Papagalitan ako ni tita. I promise to her that I won’t allow you go to work without eating your breakfast. Saka kaylangan din kitang ihatid at susunduin pauwi.” Mahabang sabi ni Ken.

“WHAT?! Ano ako bata? Hatid,sundo?! Saka ano ka driver ko?” naiinis ng sabi ni Jini. Anong nanamang kalokohan ito ng mommy niya. kahit medyo kinilig siya sa nangyayari. Aba sino ang hindi kikiligin pag ihatid sundo ka ng gwapong bumbay na ito.

“hindi. Matanda kana. At oo. Isip bata. Saka labag man sa loob ko ay magiging driver nga ako ng panget na senyorita ng dalawang buwan.” Nang-aasar na sagot ni Ken kay Jini.

Inirapan ni Jini si Ken. “kung labag sa loob mo bakit ka pumayag?” umuusok na ang ilong at tenga na sabi ni Jini. Hindi niya matanggap na labag sa loob ni Ken pag hatid sundo sa kanya.

“baka naman may GF na kaylangan ihatid at sunduin araw-araw kaya labag sa loob niya.” sabi ng isip niya. napasimangot sis a naisip.

“as if naman gusto ko. saka hindi ko mahindian si tita panget.” Sabi nito ng nakangisi.

“edi sana siya nalang ang ihatid sundo mo! Bwiset! Saka kung may GF kang kaylangang ihatid…. Wag mo na akong alalahanin. Nagpapalusot ka pa e. Kaya paalisin mo na ako!” sabi ni Jini kay Ken na ginamit ang pagkakataong tumakas habang tulala pa si Ken na parang nag-iisip.

Pero pagdating ni Jini sa gate ay hindi niya alam kung pano ito buksan. Wala siyang makitang pindutan.

“hindi ka ba makalabas?” nakangising sabi ni Ken.

Humarap si Jini dito. Hawak ni Ken ang isang remote. Ito yung ginamit nito kagabi para buksan ang gate.

“Give me that!” sabi ni Jini.

“ano ako under sayo? Not until you eat the breakfast I prepared.” Sabi ni Ken. “pagkatapos kong gumising ng maaga para magprepare ng breakfast. Hindi mo naman pala kakainin.” Parang nagtatampong sabi nito at ginaya pa ang pagsimangot niya pagnagtatampo.

“oh my god! Ang puso ko. Hold on! Wag kang bibigay!” paaalala ng puso niya. But she can’t resist the cute gesture of Ken and say yes at the end. Tuwang-tuwa naman ang lalake.

               

Nakasakay na si Jini sa sasakyang ni Ken. Hindi din siya makahindi dahil hawak nito ang remote. Ang nakakapagtaka ay nakapambahay lang ito at parang walang balak pumasok sa trabaho. Sabagay, ito naman ang may-ari ng kumpanya nila. Hawak nito ang sariling oras.

“bakit ganyan pala ang ayos mo? Hindi ka papasok?” tano ni Jini  kay Ken.

“nope.may aasikasuhin ako sa bahay. Saka bakit ka nagtatanong? Misis ba kita?” sagot ni Ken na nang-aasar nanaman.

“Don’t start again! Just drive faster. Malalate na ako.” Sabi ni Jini dahil alam niyang sa walang katapusang bangayan nanaman ang ending nila.

Binilisan naman nito ang pagpapatakbo. Halos napasigaw si Jini sa takot. Makatakip ang mga kamay sa mukha.

“Slow down Ken! Mamamatay tayo! Saka baka mahuli tayo.” Sabi ni Jini sa nanginginig na boses.

“ang kulit mo din e no. sabi mo drive faster. Tapos pag binilisan nagrereklamo ka naman. Ano ba talaga?” sabi ni Ken.

Mamatay na talaga si Jini sa pagkaasar kay Ken. Hindi nalang niya ito sinagot. Mukha naman naramdaman nito na nagalit siya kaya inayos na nito ang pagdadrive.

“kaya naman palang magdrive ng maayos e.” sabi ni Jini sa isip.

Hanggang sa makarating sila sa kumpanya ay hindi na sila nagkibuan. Bababa na sana si Jini sa sasakyan ng bigla itong pigilan ni Ken.

“susunduin kita mamaya. Tapos maggrocery tayo.” Sabi ni Ken.

“ayaw ko nga.” Sabi ni Jini na pinipilit lumabas pero mahigpit na hawak ni Ken ang kamay niya.

“sasama ka. Wala kang choice. Hindi naman kita tinatanong kung gusto mong sumama.” Sabi nito na nakangiti.

“okey fine.” Sabi nalang ni Jini dahil malapit na ng mag-eight. Salamat nalang at hindi sila natraffic. Magaling din kasing magdrive si Ken. Pero hindi parin binibitawan ni Ken ang kamay niya.

“What?!” sabi ni Jini kay Ken na nakangisi.

“Give me your number.” Sabi ni Ken.

“ma’am may problema po ba?” bigla ay singit ng isang lalaki na mukhang guard ng kumpanya. Siguro ay narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Ken. Sumisigaw siya e nakaopen na pala ang pinto sa side niya.

“wala naman pare. Humihingi lang ako ng goodbye kiss sa misis ko. Ayaw kasing akong pagbigyan….medyo nagpapakipot.” Sabi ni Ken na kinalaki ng mata ni Jini. At mas lalo na ng bigla siyang hinalikan nito sa pisngi.

Hindi na alam ng dalaga kung paano siya nakababa ng sasakyan. Natauhan nalang siya ng magpaalam si Ken sa guard sa tabi niya.

“sige pare una na ako. Pakibantayan nalang ang misis ko. Bye sweetie. See you later.” Sabi ni Ken kay Jini sabay kindat at umalis na.

Nakatingin lang si Jini sa papalayong sasakyan ni Ken.

“ang sweet naman po ng mister niyo mam.” Sabi ng guard at bumalik na sa pwesto nito.

Namula na ata aang buong mukha ni Jini. Paano ay naiisip nanaman niya na hinalikan si ni Ken sa pisngi! 

HATE me now and LOVE me foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon